Sid Lucero nasaktan sa ginawang 'orgy scene' sa 'Virgin Forest' ni Brillante Mendoza | Bandera

Sid Lucero nasaktan sa ginawang ‘orgy scene’ sa ‘Virgin Forest’ ni Brillante Mendoza

Ervin Santiago |May 30,2022
facebook
share this

Sid Lucero nasaktan sa ginawang ‘orgy scene’ sa ‘Virgin Forest’ ni Brillante Mendoza

Ervin Santiago - May 30, 2022 - 09:51 AM

Sid Lucero, Angeli Khang at Katrina Dovey

TUWANG-TUWA ang versatile actor na si Sid Lucero nang malamang pinalakpalan ng members ng entertainment media ang trailer ng bago niyang pelikula under Viva Films at Center Stage Productions.

Ito ang bagong version ng classic sex-drama Filipino film na “Virgin Forest” na idinirek ni Peque Gallaga at ipinalabas noong 1985 kung saan bumida sina Sarsi Emmanuelle at Miguel Rodriguez.

Last Friday, May 27, dalawang beses humarap sa media si Sid — ang una’y para sa online presscon ng Kapuso drama series na “The Fake Life,” at sumunod nga ang “Virgin Forest” ng Vivamax.

In fairness, pati kami ay napa-clap nang bonggang-bongga nang ipalabas ang trailer ng bagong obra ng award-winning filmmaker na si Brillante Mendoza sa private screening ng “Pusoy” noong Miyerkules, May 25.

Isa nga sa mga pasabog na eksena sa movie ay ang orgy scene ni Sid kasama ang anim na babae sa isang waterfalls kung saan lahat sila ay hubo’t hubad.

Kuwento ni Sid sa online mediacon ng bago niyang project sa Vivamax, ang kanilang orgy scene ang isa sa pinakamahirap na eksenang ginawa niya sa “Virgin Forest”.

“Honestly, it hurts. That’s the first thing you will realize, it’s painful. There’s nowhere to rest any part of your body. At the same time, there is something that the director wants to capture.

“The falls is so noisy, you don’t understand what’s happening because you can’t hear the direction.

“All of us, like three people, standing on a tiny rock because if you don’t stand there…it was not easy.

“As an actor naman, the only thing that was going on my head was that we’re all in this together. We’re all naked and whatever, respetuhan na lang,” lahad ni Sid.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)


Sa kuwento ng “Virgin Forest”, gaganap si Sid bilang photographer na makakadiskubre ng isang gubat na hindi lang puno ng mga mauusbong na halaman at puno, kundi pati na rin ng mga taong puno ng kasakiman at pagnanasa.

Si Francis (Sid), ay isang photojournalist na naatasang kumuha ng mga litrato ng isang bulaklak mula sa genus Rafflesia, may scientific name na Rafflesia Schandenbergiana.

Isa itong parasitic plant na tumutubo sa Bukidnon at mas kilala sa tawag na Bo-o para sa Bogobo tribe, at tinatawag namang Kolon-Busaw ng Higaonon tribe. At sa isang gubat, doon siya makakadiskubre hindi lang ng mga halaman, kundi pati na rin ng illegal logging operation at isang prostitution den.

Dito niya makikilala ang magkapatid na sina Angela (Katrina Dovey) at Karla (Angeli Khang) na parehong pinagtatrabaho bilang mga prostitute. Isusugal ni Francis ang kanyang trabaho at maging ang kanyang buhay upang mailigtas ang dalawang babae, bago maging huli ang lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin dito si Vince Rillon at iba pang baguhan ngunit palabang sexy stars. Mapapanood na ito simula sa June 24 sa Vivamax.

Sid Lucero naghubo’t hubad sa ‘Reroute’; mas nadaliang makipag-sex scene sa lalaki kesa sa babae

Sid Lucero nakaranas na ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso: The abuse goes on and on…

Sid Lucero naranasan nang makipag-sex sa loob ng kotse; Nathalie Hart na-shock: OMG! You’re so wild!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending