Piolo, Sam muling magsasama para mapasaya ang mga Pinoy sa US; fans ni KC may hiling kay Papa P | Bandera

Piolo, Sam muling magsasama para mapasaya ang mga Pinoy sa US; fans ni KC may hiling kay Papa P

Reggee Bonoan |May 29,2022
facebook
share this

Piolo, Sam muling magsasama para mapasaya ang mga Pinoy sa US; fans ni KC may hiling kay Papa P

Reggee Bonoan - May 29, 2022 - 06:19 PM

Piolo Pascual at Sam Milby

HINDI pa yata nawawala ang jetlag ni Sam Milby mula sa pagso-show sa Canada kasama ang kanyang girlfriend na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Nakasama rin nila roon sina Marcelito Pomoy at Rayver Cruz pero heto’t paalis na naman siya ngayong darating na July patungo naman ng Amerika.

Si Piolo Pascual ang makakasama ni Sam sa US kaya buhay na naman ang “heartthrobs team” ng dalawang aktor.

Ito ang tawag sa dalawang guwapong aktor noong kasagsagan ng mga shows nila sa ibang bansa at muli nga silang mapapanood sa ilang cities sa USA kasama ang nag-iisang Soul Diva na si Jaya.

Sa kanyang Instagram account ngayong hapon ay ipinost ni Piolo ang video invitation nila ni Sam para sa mga Kapamilyang naghihintay sa kanila sa US.

Ayon kina Papa P at Sam, “Mga kababayan sa US! Save the dates dahil magkikita kita tayo together with #SamMilby and #Jaya sa HEARTTHROBS 2022 US Tour!”

Narito ang mga petsa at lugar ng “Heartthrobs” show nina Piolo at Sam: July 9, Sycuan Casino San Diego, CA; July 10, Atherton Auditorium Stockton, CA; July 16, Rachel M. Schlesinger Concert Hall & Arts Center Alexandria, VA; at July 17, Hilton Stamford Hotel Stamford, CT.

Si Jaya naman, kahit sa US na naka-base ay nanatili pa rin siyang Cornerstone talent dahil tuloy pa rin ang pagtanggap niya ng mga show sa ibang bansa.

Base sa mga nabasa naming komento mula sa netizens na nakabasa sa post na ito ni Piolo ay umaasa sila na sana’y magkaroon din sila ng show sa New York City, Australia, San Francisco, Chicago, Las Vegas, Hawaii, at Alaska.

May kahilingan din ang mga kababayan nating nag-aabang sa dalawang aktor na sana’y isama rin daw nila si Catriona, pati na si KC  Concepcion para may bonding sila ni Papa P.

Hmmmm, sana nga mabasa ito ng producers ng show para idagdag nila ang dalawang nabanggit para mas lalong matuwa ang Filipino fans.

Timing ang pagbalik ni Sam sa Pilipinas dahil promo na ng bagong TV series niya na “A Family Affair” na magsisimula na ngayong June sa ABS-CBN, kasama sina Gerald Anderson, Jameson Blake, Jake Ejercito at Ivana Alawi mula sa Star Creatives.

https://bandera.inquirer.net/305582/piolo-keribels-lang-maging-papa-p-ng-bayan-parang-awkward-pero-kesa-tawagin-kang-tito-ok-na

https://bandera.inquirer.net/314159/ivana-alawi-ikinumpara-sa-bulalo-sina-gerald-anderson-at-sam-milby

https://bandera.inquirer.net/284472/john-lloyd-makakatrabaho-nga-ba-si-willie-sa-bagong-project

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending