Hirit ni Baron sa paghuhubo't hubad: Depende po sa bayad, nasa P2 million siguro all out na! | Bandera

Hirit ni Baron sa paghuhubo’t hubad: Depende po sa bayad, nasa P2 million siguro all out na!

Reggee Bonoan |May 26,2022
facebook
share this

Hirit ni Baron sa paghuhubo’t hubad: Depende po sa bayad, nasa P2 million siguro all out na!

Reggee Bonoan - May 26, 2022 - 06:05 PM
Hirit ni Baron sa paghuhubo't hubad: Depende po sa bayad, nasa P2 million siguro all out na!

UMAMIN si Baron Geisler pagkatapos ng private screening ng “Pusoy” kagabi na ang daring love scenes niya rito ang isa sa dahilan kung bakit nagkaroon sila ng problema ng asawang si Jamie Marie Evangelista-Geisler.

Kasama ng aktor sa pelikula sina Janelle Tee, Jela Cuenca, Angeli Khang at Vince Rillon mula sa direksyon ni Phil Giordano.

Aniya, “Opo, ito po ‘yun pero kung mapapanood n’yo kasama po siya sa movie, umekstra po siya (hindi binanggit kung anong role) and aware naman po siya and she’s in Turkey right now, vacation with her friends and next month I’’ll be seeing her, we’re okay, all is good.”

Sa madaling salita hindi tuloy ang tsikang gustong ipawalang-bisa ng asawa ni Baron ang kasal nila dahil nga magkasundo na sila.
Sa pagkukuwento pa ni Baron ay wala siyang ideya kung ano ang karakter niya sa “Pusoy” noong ialok ito sa kanya ni Direk Brillante Mendoza.

“Ganito po kasi ‘yan, tinawagan po ako ni Direk Brillante, ‘Baron may gagawin kang pelikula ha, maganda ‘yung role kasama mo si Vince (Rillon) kayong dalawa ang bida rito. Ikaw ang kontrabida.’ Sabi ko  ‘Yes direk! Sige po.’”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler)

 

At pagkatapos nilang mag-usap ay nag-meeting na agad sila kinabukasan kasama si Ms. June Rufino ng Viva Films.

“Next day nag-meeting na kami, sabi niya (Direk Brillante), ‘O, maganda mga eksena rito, ha, o ‘wag kang iinom, ha.

“Tapos biglang pagdating na do’n (sa set), ‘Baron mag-plaster ka na (sabi ni direk Brillante).

Reaksyon niya, “Ho? ‘May pitong sexy scenes ka rito’ (sabi ulit ni direk).

“So pinanindigan ko na lang kasi naniniwala ako kay direk Phil at saka kay direk Brillante na hindi ako makahindi bilang producer at hindi lang pang-Vivamax ito maaaring pang-ibang bansa, so, grateful.  Pero naisahan po ako ni direk. Langya ka (sabay turo kay direk Brillante),” tumawang sabi sa producer ng “Pusoy.”

Hindi naman itinanggi ni Baron na medyo nahiya siya sa daring scenes na ginawa niya sa “Pusoy” lalo’t umabot na siya sa edad 40 ay saka siya naghubad pero puwede niya ulit gawin.

“Depende po sa bayad, nasa 2 million siguro, Boss Vic (del Rosario) all out na,” say ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, mapapanood na ang “Pusoy” sa Biyernes, Mayo 27 sa Vivamax produced ni Direk Brillante. Kasama rin sa pelikula sina Evangeline Pascual at Julio Diaz.

Related Chika:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending