'Hindi n'yo mapapatay si Kris, lalaban at lalaban siya habang buhay sina Bimb at Kuya Josh' — RB Chanco | Bandera

‘Hindi n’yo mapapatay si Kris, lalaban at lalaban siya habang buhay sina Bimb at Kuya Josh’ — RB Chanco

Ervin Santiago |May 26,2022
facebook
share this

‘Hindi n’yo mapapatay si Kris, lalaban at lalaban siya habang buhay sina Bimb at Kuya Josh’ — RB Chanco

Ervin Santiago - May 26, 2022 - 09:39 AM

RB Chanco at Kris Aquino

MALUBHANG-MALUBHA na ang karamdaman ng Queen of All Media na si Kris Aquino pero lalaban at lalaban pa rin daw siya para sa kanyang dalawang anak.

Kinumpirma ng mga doktor ng TV host-actress na isang “very rare” ang kumapit na sakit kay Kris ngunit ginagawa nila ang lahat para mapagaling at muling mapalakas ang nanay nina Joshua at Bimby.

Ayon sa kilalang celebrity make-up artista at isa sa mga malalapit na kaibigan ni Kris na si RB Chanco, patuloy ang pagdarasal nila at ng pamilya ni Tetay sa fast recovery ng award-winning TV host.

Present si RB sa naganap na special screening at mediacon ng “Love In 40 Days” recently kung saan sinuportahan niya ang alagang si Ronnie Alonte at ang gifriend nitong si Loisa Andalio.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


At dito nga siya natanong ng ating  colleague at kaibigan na si Kiko Escuadro kung kumusta na ang health condition ng Queen of All Media, “Kris now is really sick. I don’t know if she wants me to announce this or I have to ask her.

“Well you’ve seen naman her Instagram her videos na she’s really going through a sickness that her doctors are saying na one in a million. It’s really rare,” pahayag ni RB.

Grabeng pag-iingat pa rin ang kanilang ginagawa para masigurong wala nang magiging kumplikasyon ang kanyang karamdaman.

“With her auto immune has already… and talagang immuno-compromised ba ang term, parang she cannot just go anywhere and we really be very careful.

“If we visit, we have to do PCR up until now even if the pandemic restrictions loosened up. We can naman visit naman but we have to do PCR testing first.

“Kasi once na tamaan siya, it’s really scary and we don’t want naman be the reason na magdala ng virus sa bahay,” lahad ng makeup artist.

Samantala, puring-puri naman ni RB ang mga anak ni Kris na nananatiling positibo sa kabila ng pinagdaraanan ng kanilang nanay.

“I’m very happy that Bimb and Kuya Josh are very mature and Kris really raise them very well.

“Kasi of course they feel what’s going on with their mom and of course talagang nag-aalala sila, but nakikta nila na talagang their mom is fighting and they know and secured ang feelings nila na, ‘Gagawin lahat ng mom and nothing will happen to her. She will fight from her sickness,’” sey pa ni RB.

Dagdag pa niyang pahayag, “She’s really fighting of course, pero nagulat kami sa mga bago pang test result and ang mga ito ay nasabi naman niya sa social media.

“Parang ‘yung mga bago niyang sickness, ang mga doctors kasi niya are really looking after her and magagaling, pero siyempre nakakalungkot of course. But she’s fighting and she’s trying her best,” sabi ni RB.

Ito naman ang mensahe niya sa mga haters ni Kris at sa mga nagpapakalat ng “fake news” tungkol sa kanyang kundisyon.

“Hindi n’yo mapapatay si Kris at lalaban at lalaban si Kris as long as buhay si Bimb at Kuya Josh. Yun lang ang masasabi ko.

“And as long as si Kuya Bimb and Josh ay wala pa doon sa certain age na hindi pa kaya, she will wait for Bimb to graduate and probably have a wife and his own family.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi mawawala si Kris Aquino, babalik at babalik si Kris Aquino at iintayin natin siya,” sabi pa ni RB.

Joshua, Bimby lumipad na patungong Amerika, Kris nagpaiwan muna… bakit kaya?

Kris may pa-surprise sa 26th b-day ni Joshua: Thank you Mama and Bimb, I love you!

Kris, Mel naghiwalay nang dahil sa COVID; mas lumala pa raw ang sakit ng mommy nina Josh at Bimby

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending