Robi Domingo napiling host ng Idol Philippines; Chito Miranda, Gary Valenciano bagong mga hurado | Bandera

Robi Domingo napiling host ng Idol Philippines; Chito Miranda, Gary Valenciano bagong mga hurado

Ervin Santiago |May 23,2022
facebook
share this

Robi Domingo napiling host ng Idol Philippines; Chito Miranda, Gary Valenciano bagong mga hurado

Ervin Santiago - May 23, 2022 - 10:59 AM

ISANG napakalaking blessing na naman ang natanggap ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo ngayong 2022.

Si Robi ang napili ng mga bossing ng ABS-CBN na maging bagong host para sa second season ng reality singing competition na “Idol Philippines.”

Ito ang ibinandera ni Janine Gutierrez sa launch ng “Idol Philippines” sa “ASAP Natin ‘To” kahapon, May 22.

Reaksyon naman ni Robi na isa rin sa mga host ng “Pinoy Big Brother: Kumunity” season 10, “It is my honor to be part of this very iconic show.”

Ipinakilala rin sa “ASAP” ang mga magiging hurado sa ikalawang season ng “Idol Philippines — nandiyan pa rin ang mga nagbabalik sa programa bilang judge na sina Regine Velasquez at Moira dela Torre.

Papalitan naman nina Gary Valenciano at Chito Miranda ng Parokya ni Edgar ang mga hurado noong season 1 na sina Vice Ganda at James Reid.

Sa kanyang Instagram post, ibinalita nga ni Chito na kabilang na siya sa apat na hurado ng “Idol Philippines”. Inalok na pala siya noon ng ABS-CBN na mag-judge sa unang season ng “IP” pero hindi niya ito tinanggap.

“I don’t judge…pero ngayon, ok lang.

“Nung season 1, they already asked me na maging judge for @idolphilippines but I declined because I didn’t think it would be fair for me to judge in a singing contest, knowing na di naman ako magaling kumanta.

“Pero ngayon, I finally agreed to go on the show kasi they explained to me, extensively, that even though it is still primarily a singing contest, hindi lang ito sa boses magkakatalo,” ang caption ng OPM icon sa ipinost niyang litrato sa IG.

Sa ngayon ay hindi pa ina-announce ng produksyon kung kailan magsisimula ang “Idol Philippines” season 2 pero sa pagkakaalam namin nagsisimula na ang audition para sa nasabing singing competition.

Robi umaming selosong dyowa: Parang napapraning ako!

‘Idol Philippines’ muling magbabalik; Gary Valenciano, Chito Miranda bagong judges na makakasama nina Moira at Regine

Bakit sina Maymay at Melai ang paboritong PBB housemates ni Robi?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending