Glaiza matatagalan pa bago mabuntis: Kailangan muna naming tapusin 'yung wedding dito sa Pilipinas | Bandera

Glaiza matatagalan pa bago mabuntis: Kailangan muna naming tapusin ‘yung wedding dito sa Pilipinas

Ervin Santiago |May 18,2022
facebook
share this

Glaiza matatagalan pa bago mabuntis: Kailangan muna naming tapusin ‘yung wedding dito sa Pilipinas

Ervin Santiago - May 18, 2022 - 06:24 AM

Glaiza de Castro, Xian Lim at David Rainey

MUKHANG matatagalan pa nga siguro bago mabuntis at magka-baby ang Kapuso actress at singer na si Glaiza de Castro.

Mismong ang “False Positive” lead star na kasi ang nagsabi na wala pa sa top priorities nila ngayon ng kanyang asawang si David Rainey ang makabuo ng baby.

Unang-una raw, pinaghahandaan pa nila ngayong mag-asawa ang pagpapakasal dito sa Pilipinas na siyang naipangako nila sa kanyang pamilya at malalapit na mga kaibigan.

“Kailangan muna naming tapusin ‘yung wedding dito. Wow! Baka after nu’n. Baka after nu’n pa-positive tayo (sa pagbubuntis),” natatawang chika ni Glaiza sa panayam ng “24 Oras.”

“Darating tayo diyan, and I’m very excited to experience that. Alam ko napaka-fulfilling niyan,” dugtong pa niyang pahayag.

Sa isang interview kay Glaiza, kinumpirma nga nito na hindi pa kasama sa mga plano nila ni David ngayong 2022 ang magkaroon ng mga anak dahil nasa proseso pa raw sila ng “transitioning.”

“Medyo matagal-tagal pa po. Kasi we’re still planning for our wedding here, saka ‘di rin ganon kadali mag-settle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)


“Medyo mahaba-haba pang time ‘yung kailangan namin for transitioning,” pahayag ng leading lady ni Xian Lim sa primetime series ng GMA na “False Positive.”

Nauna nang sinabi ni Glaiza sa panayam sa kanya ng press pagkatapos ng kasal nila ni David na malalaman naman nilang dalawa kapag handa na silang maging parents.

“Something that we had to plan pero hindi pa ngayon! We’re not in a rush to have children. Kapag dumating na yung time na ‘yun, ready na kami!” sey ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag chika pa ni Glaiza, ibang-iba raw ang kanyang pakiramdam kapag tinatawag na siyang Mrs. Rainey.

Glaiza naghahanda na sa pag-aasawa: Kailangan ko nang maging financially independent

Glaiza umamin: Mahal talaga yung relationship namin ni David dahil…

Glaiza iiwan ang pag-aartista para sa pamilya: Pangarap ko talagang maging ina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending