Alden napa-throwback sa kuwento ng 'white shirt' nang sabay silang mag-audition ni Rocco sa 'StarStruck' | Bandera

Alden napa-throwback sa kuwento ng ‘white shirt’ nang sabay silang mag-audition ni Rocco sa ‘StarStruck’

Ervin Santiago |May 15,2022
facebook
share this

Alden napa-throwback sa kuwento ng ‘white shirt’ nang sabay silang mag-audition ni Rocco sa ‘StarStruck’

Ervin Santiago - May 15, 2022 - 06:00 PM

Rocco Nacino at Alden Richard

KNOWS n’yo ba na may nakatutuwang throwback story ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at ang Kapuso versatile actor Rocco Nacino?

Bago pa sila sumikat nang bonggang-bongga sa mundo ng showbiz ay may magandang kuwento pala sa pagsisimula ng kanilang friendship.

Nag-start ang pagiging close ng dalawang Kapuso stars nang sabay silang mag-audition para sa original reality talent competition ng GMA 7 na “StarStruck.”

Sa panayam ng “Updated With Nelson Canlas” kay Alden, nabanggit ng aktor na isa sa mga  requirements na ipinadala sa mga pumasok sa Top 60 na nag-audition ay white shirt.

At dahil nga “born ready” ang Pambansang Bae, “Nagdala ako ng dalawang t-shirt. Tapos ayon nakakausap-usap ko na si Rocco noon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


“Tapos si Sarah Lahbati, so parang meron na kaming small group that time noong nasa Top 100 pa lang kami.

“Then ‘yun na, noong sabing okay ito na ‘yong Top 60… Oh, kailangan ‘yong mga Top 60 magpalit na ng white t-shirt. Eh, walang dala si Rocco boy,” kuwento pa ni Alden.

Ang dala raw ni Rocco ay isang shirt na may print at kahit daw binaligtad niya ito ay kitang-kita pa rin ang print sa kanyang damit.

“So sabi ko, oh sige Rocco ano ito may extra shirt ako hiramin mo na lang,” sey ni Alden.

Sabay na nag-join sina Alden at Rocco sa fifth season ng “StarStruck” noong 2009. Hindi nakapasok sa finalists ang Kapuso matinee idol habang naging itinanghal namang “Second Prince” si Rocco.

Sina Sarah Lahbati at Steven Silva ang nanalong Ultimate Female Survivor at Ultimate Male Survivor respectively.

Nang matanong naman kung nabasted na siya ever, mabilis na sagot ni Alden ay, “No” sabay hirit ng, “Nag-give way, yes.”

At sa question na, “Meron ka bang babaeng itinuturing na the one that got away (TOTGA)?” sagot ng binata ay, “Yes.”
https://bandera.inquirer.net/313146/rocco-natakot-nang-malamang-buntis-na-si-melissa-naisip-ko-ready-na-kaya-ako-maging-daddy

https://bandera.inquirer.net/285571/alam-nyo-bang-dapat-ako-ang-magho-host-ng-starstruck

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/313407/rocco-nacino-melissa-gohing-hindi-agad-nakabuo-ng-baby-naglilista-na-ng-kukuning-ninong-at-ninang-para-sa-unang-anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending