Rocco, Melissa hindi agad nakabuo ng baby; naglilista na ng kukuning ninong at ninang para sa unang anak | Bandera

Rocco, Melissa hindi agad nakabuo ng baby; naglilista na ng kukuning ninong at ninang para sa unang anak

Ervin Santiago - May 15, 2022 - 07:31 AM

Melissa Gohing at Rocco Nacino

HINDI pala naging madali para sa mag-asawang Rocco Nacino at Melissa Gohing ang makabuo agad ng baby.

Kaya naman nang malaman nila a few days ago na magiging parents na sila very soon ay talagang abot-langit ang kanilang kaligayahan at pasasalamat kay Lord.

“‘Yung na-experience namin na hindi kami ‘yung typical na mabilis makabuo so we had to go back and forth to the OB. Hindi ganoon kadali for us,” pahayag ni Rocco sa panayam ng GMA.

“For sure marami ring naka-experience na ganoon din sa amin so very grateful kami and blessed,” sabi naman ni Melissa.

Sey nga raw ng future mom kay Rocco nang minsang mag-usap sila about her pregnancy, “Would you believe na after a few months magiging maingay na ‘yung bahay, may baby na tayo together.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)


Sa ngayon daw ay talagang tinututukan nila ang pagpe-prepare sa pagdating ng kanilang first baby, mula sa magiging kuwarto nito sa kanilang bahay hanggang sa paglilista ng mga kukunin nilang ninong at ninang.

“It’s gonna be a very busy year kasi ang focus this year is the preparation ng pagdating ni baby,” chika ni Rocco kasabay ng pag-amin na balak din nila ni Melissa na mag-take ng ilang classes tungkol sa pag-aalaga ng mga bata.

“Kahit na nurse ako I can’t just rely on what I took. Gusto naming makakuha ng tips from experts, on what to expect kapag nariyan na si baby,” sabi ng aktor.

At know n’yo ba na ngayon pa lang ay iniisip na ng mag-asawa ang pagkuha ng insurance para sa kanilang magiging baby.

“Nowadays kung gaano na ka-different ang parents na millennials, ang napapansin ko prepared na ngayon ang mga parents. Kami paglabas na paglabas ni baby gusto naming magkaroon ng insurance para sa kanya.

“Kahit baby pa lang siya magse-set aside na kami ng grade school, high school, and college fund na para sa kanya. At least we’re working na alam namin na may mapupuntahan ‘yung pag-iipunan namin,” sabi pa ni Rocco.

At siyempre, naglilista na rin daw sila kung sinu-sino ang magiging godparents ni Baby N, “We have a list na. Mga close friends ko, mga nag-guide sa akin throughout the pregnancy. Si Mel maraming super close friends and also athletes. Mga non-showbiz friends also, ‘yung mga talagang from way back.”

https://bandera.inquirer.net/281573/rocco-ibinuking-ang-reaksyon-ng-asawa-nang-sabihing-makakatrabaho-uli-si-lovi

https://bandera.inquirer.net/312797/rocco-nacino-melissa-gohing-magkaka-baby-na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/306711/gabby-eigenmann-ginamit-ng-scammer-para-makagetsing-ng-p10k-rocco-nacino-muntik-nang-mabiktima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending