Marian, Dingdong solid na solid ang pagsasama, ano'ng sikreto sa 7 taong relasyon bilang mag-asawa? Bandera

Marian, Dingdong solid na solid ang pagsasama, ano’ng sikreto sa 7 taong relasyon bilang mag-asawa?

Ervin Santiago |May 14,2022
share this

Marian, Dingdong solid na solid ang pagsasama, ano’ng sikreto sa 7 taong relasyon bilang mag-asawa?

Ervin Santiago May 14, 2022 - 06:41 PM

Dingdong Dantes at Marian Rivera

ISA sa mga sikreto ng maayos, masaya at tahimik na married life  ng Kapuso Royal couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay ang pagiging totoo at honest nila sa isa’t isa.

Pitong taon nang nagsasama bilang mag-asawa sina Dong at Yanyan at in fairness naman sa celebrity couple, ni minsan ay wala tayong narinig na nag-away o natsismis sila nang bonggang-bongga.

Ayon kay Marian, napakahalaga sa pagsasama ng mag-asawa ang open communication at palaging transparent sa isa’t isa.

“Sa relationship namin kasi ni Dong, very transparent kami and talagang heart-to-heart talk kami every time.

“Mas maganda siguro na open ‘yung relationship n’yo at nasasabi n’yo sa isa’t isa.

“Kasi kapag ganoon kayo ibig sabihin buo ‘yung pagmamahal n’yo sa isa’t isa na hindi mo siya idya-judge kung ano man ‘yung kahinaan niya,” ang pahayag ni Marian sa panayam ng “Unang Hirit” kamakailan.

Samantala, ngayong darating na Sabado na, May 14, mapapanood ang kauna-unahang sitcon ng DongYan sa GMA, ang “Jose and Maria’s Bonggang Villa.”


Makakasama nila rito sina Pekto Nacua, Benjie Paras, Johnny Revilla, Shamaine Buencamino, Pinky Amador, Hershey Neri, Loujude Gonzalez, at Sparkle loveteam Jamir Zabarte at Zonia Mejia.

Ito’y sa direksyon ng TV host-comedian na si John “Sweet” Lapus.

Ayon sa Primetime King na si Dingdong Dantes, nasa bucket list talaga niya ang magkaroon ng comedy show kasama ang asawang si Marian.

“Ay grabe! Si Marian sobrang hands on- acting coach ko nga siya. Pangarap ko talaga na magkaroon ng sitcom kasama niya.

“Kasi nga ‘yung nagsimula sa bahay (short film para sa isa nilang product endorsement), parang laru-laro lang sa umpisa and ngayon talagang seryoso na. Seryosong TV show na siya,” chika pa ni Dong.

Anyway, marami naman ang nagsasabi na ang bagong programa ng DongYan ay ang bagong version ng classic sitcom na “John & Marsha” ng mga yumaong veteran stars na sina Dolphy at Nida Blanca.

Sharon kay Osang: I really love this woman…alam kong hindi niya ako tatraydurin

Janice de Belen insecure noon sa katawan: Pero ngayon, so what? This is me, ayaw n’yo, ‘di ‘wag n’yo

Rico Blanco nabahala sa takbo ng relasyon nila ni Maris: Sabi ko, ‘Hala, hindi pa tayo nag-aaway!’

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending