Jane hindi nakaka-bonding ng ilang co-stars sa Darna: 'Wala siyang day off, work kung work' Bandera

Jane hindi nakaka-bonding ng ilang co-stars sa Darna: ‘Wala siyang day off, work kung work’

Ervin Santiago |May 14,2022
share this

Jane hindi nakaka-bonding ng ilang co-stars sa Darna: ‘Wala siyang day off, work kung work’

Ervin Santiago May 14, 2022 - 01:31 PM

Dawn. Chang at Jane de Leon

HINDI masyadong nakaka-bonding ng ilang cast members ng “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” ang bida sa Kapamilya action-fantasy drama na si Jane de Leon.

Ito ang diretsahang inamin ng isa sa mga gaganap na kontrabida sa “Darna” na si Dawn Chang sa panayam ng “Kapamilya Chat” ng ABS-CBN kamakailan.

Ayon sa Kapamilya actress-dancer, halos lahat daw kasi ng kinukunang eksena sa kanilang lock-in taping ay kasali si Jane kaya naman bihira nila itong makasama kapag naka-day off sila.

Kuwento ni Dawn, parang tunay na pamilya na ang turingan nila sa set ng “Darna”, mula sa mga artista hanggang sa production staff. Ito raw ang magandang epekto sa kanila ng “bubble taping”.

“May pros and cons ang lock-in pero ang ginawa nitong bubble sa amin ay naging strong ang bond namin. Naging family talaga kami. Family in a sense na kanya-kanya kami ng role sa aming ginagampanang series.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝙳𝙰𝚆𝙽 𝙲𝙷𝙰𝙽𝙶 (@thedawnchang)


“Pero sa loob ng bubble ay may kanya-kanya rin kaming role. Feeling nga namin sabi namin lagi, ano iba ito, Darna ba ito o PBB na ito? Kasi lagi may sari-sarili kaming drama sa buhay,” pahayag ng dalaga.

Pagpapatuloy pa niya, “Yung bond na mayroon kami off-cam ay nadadala namin ‘yon on-cam. So at ease na kami sa isa’t isa. Nakakapag-usap kami kung paano namin aatakihin itong character natin.

“Paano ba natin ide-deliver ito? Maganda ‘yung relationship namin, walang magkakaaway sa amin. Walang natatampuhan sa amin. Mayroong petik, bored lang kami pero ‘yung seryoso wala,” sey pa ng aktres at dating housemate ni Big Brother.

Kasunod nga nito, inilarawan ni Dawn sa nasabing panayam kung paanong katrabaho sina Jane at Janella Salvador, ang gumaganap namang Valentina sa bagong TV version ng “Darna.”

“Jane is very hardworking. Bihira namin siya makasama off cam mas marami namang on cam kasi Jane is working every single day. Literal na araw-araw nandoon siya.

“Kami may mga day off kami, hindi ba? Siya wala. So ‘yung pagod, ‘yung hirap physically, mentally, emotionally sa kanya kasi bilang Darna siya. We consider that.

“She’s very hardworking. Hindi man namin siya nakakasama sa mga bonding namin off cam but on the set she’s very professional,” paglalahad ni Dawn.

Sabi naman niya patungkol kay Janella, “Magaan siyang katrabaho. Even on the set, mas marami ‘yung times na nakasama ko siya off cam pero on the set walang mahirap katrabaho sa amin.

“Lahat we really try our best efforts para maging maganda at magaan yung working environment,” dagdag pa niya.

Makakasama rin sa “Darna” sina Iza Calzado, Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla, Rio Locsin, Paolo Gumabao, at marami pang iba. Ito’y sa direksyon nina Chito Roño at Avel Sunpongco.

Dawn Chang idinamay ng netizens sa pagkatsugi ni Kiko Estrada sa ‘Darna’

Jane naiyak nang isuot na ang Darna costume: Totoo na po ito, hindi na prank!

Brenda Mage kasama sa ‘Darna’ pero pinili ang PBB: Ako sana si Valentina, pero tinanggihan ko! Charot!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending