Bianca sa mga Kakampink: Oo, nakapanghihina... pero ipagpatuloy natin ang pagtindig para sa ikabubuti ng isa't isa | Bandera

Bianca sa mga Kakampink: Oo, nakapanghihina… pero ipagpatuloy natin ang pagtindig para sa ikabubuti ng isa’t isa

Ervin Santiago |May 11,2022
facebook
share this

Bianca sa mga Kakampink: Oo, nakapanghihina… pero ipagpatuloy natin ang pagtindig para sa ikabubuti ng isa’t isa

Ervin Santiago - May 11, 2022 - 12:19 PM

Bianca Gonzalez

“IPAGPATULOY natin ang pagtindig para sa ikabubuti ng isa’t isa!” Yan ang panawagan ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez sa lahat ng mga kapwa Kakampinks.

Ayon sa host ng “Pinoy Big Brother”, isang karangalan daw ang makasama sa pagtindig ang mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo na pumapangalawa ngayon sa presidential race.

Nangunguna pa rin sa bilangan ng boto sa pagkapresidente si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos at ang kanyang running mate na si Sara Duterte na number one naman sa vice presidential race.

“Ang demokrasya. Kaya’t patuloy nating protektahan at pahalagahan ang ating kalayaan na pinaglaban ng mga nauna sa atin, ‘wag natin balewalain,” simulang post ni Bianca sa Twitter.

Ipinagdiinan ni Bianca na hindi pa ito katapusan ng laban dahil simula pa lang ito ng kanilang pakikibaka para sa pagkakaroon ng maayos at maunlad na bansa.

“Lahat tayo mahal ang ating bansa, kaya sa abot ng ating makakaya, ipagpatuloy natin ang pagtindig para sa ikabubuti ng isa’t isa.

“Di ko alam kung paano, kung gaano katagal, at oo nakakapanghina ng loob, pero kung sama-sama tayo, we stand a chance.

“Kailangan natin labanan para sa mga susunod na henerasyon,” pahayag pa ng TV host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Gonzalez Intal (@iamsuperbianca)


* * *

Nilapatan ng bagong lyrics ang kantang “Rosas” na siyang naging campaign anthem ni Vice President Leni Robredo sa gitna ng ginaganap na bilangan matapos ang May 9 elections.

Ibinahagi ng singer at composer ng kanta na si Nica del Rosario ang mga binago niyang linya sa Twitter kahapon, May 10 matapos ngang mag-viral ang partial, unofficial results ng botohan kung saan nangunguna si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..

Narito ang bagong  lyrics ng “Rosas.”

“Huwag kang manghinayang

“Hindi tayo nabigo

“Tibayan ang iyong loob

“At kahit may dilim na umaaligid

“Ang liwanag sa puso’y ‘di pasisiil

“Namulat sa pag-asa, sa pag-ibig

“Hindi na muling pipikit…”

Ang mga nasabing linya ay mula sa naging mensahe ni Robredo last  Tuesday kung saan nagpasalamat siya sa lahat ng Kakampinks na sumama at sumuporta sa kanyang laban.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang nag-compose ng “Rosas” ay siya ring nasa likod ng hit song na “Tala” at “Na Na Na.”

Bianca inuurot na magsalita laban kay Toni, pero di bumigay: Hindi lang sabay-sabay, kundi sama-sama tayong aangat

Angel sa Kakampinks: Huwag kang manghina dahil ibinigay natin ang lahat…itinaya ang pangalan at oras

Xian Gaza nag-react sa viral post ni Valentine Rosales: Just a black propaganda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending