Ellen pinatanggal na ang breast implant dahil sa side effects, hirit ni Derek: 'I miss your old boobs!' | Bandera

Ellen pinatanggal na ang breast implant dahil sa side effects, hirit ni Derek: ‘I miss your old boobs!’

Ervin Santiago |May 10,2022
facebook
share this

Ellen pinatanggal na ang breast implant dahil sa side effects, hirit ni Derek: ‘I miss your old boobs!’

Ervin Santiago - May 10, 2022 - 12:00 PM

Ellen Adarna

DAHIL sa nararamdamang back pain, fatigue at brain fog, nagdesisyon na ang dating sexy star na si Ellen Adarna na ipatanggal ang kanyang breast implants.

Ibinalita ng misis ni Derek Ramsay sa kanyang social media followers na kinailangan na niyang gawin ito dahil nahihirapan na siya dulot ng ilang side effects ng peke niyang dibdib.

Sa kanyang Instagram Stories last Sunday, ipinakita ni Ellen ang litrato ng mga silicone shells na tinanggal sa kanyang dibdib na aniya’y pinanggagalingan ng kanyang iniindang health issues.

Ilan daw sa mga naging epekto ng kanyang fake boobs ay ang hirap sa paghinga at matinding sakit sa kanyang likuran.

“I have my implants removed! Happy Mother’s Day!” ang simula ng kanyang announcement noong mismong selebrasyon ng Mother’s Day, May 8.

At talagang sinabi pa niya ito sa anak niyang si Elias, “My boobs are smaller.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)


Kitang-kita sa itsura ng anak nila ni John Lloyd Cruz ang kalungkutan kaya ang sabi sa kanya ni Ellen, “But there’s still a little.”

Sa isa pang video, ipinakita ng aktres si Elias habang pinaglalaruan ang silicon. Tanong ni Ellen sa anak, “What is that?”

Hindi sumagot ang bagets at akmang itatapon ang hawak na silicon shells kaya napasigaw si Ellen ng, “Don’t throw! Those were my boobs, uy! Hala, wala na big boobs!”

Kasunod nito, ipinaliwanag nga ng misis ni Derek kung bakit nagbabu na siya sa kanyang fake na dibdib,  “Goodbye breast implant illness. I can now breathe properly.

“Goodbye chronic back pain, fatigue, and brain fog. It was fun while it lasted… The end,” aniya pa.

Samantala, ibinahagi rin ng nanay ni Elias ang video ni Derek kung saan makikita ang pagbibigay nito ng cake na may nakasulat na, “I miss your old boobs.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, inamin ni Ellen noong 2014 sa isang panayam na nagpadagdag siya ng dibdib, “My boobs are fake.”

Sey mo Chiz: Boobs ni Heart pinagpiyestahan

Lady Gaga nabuntis matapos molestiyahin ng producer sa edad 19

Paggawa ng kanta ni Moira apektado ng PCOS: It gave me so much anxiety…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending