Hiling ni Vice Ganda sa lahat ng botante ngayong Eleksyon 2022: Para sa atin ito kaya ipagdasal natin ang isa’t isa
KAISA ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa panawagan ng sambayanang Filipino para sa isang maayos at mapayapang eleksyon.
Ayon sa TV host-comedian ito na ang tamang panahon para ipagdasal ng mga Filipino ang isa’t isa para sa magandang kinabukasan ng Pilipinas.
Sa episode ng “It’s Showtime” kanina, nanawagan si Vice na patuloy na magdasal para sa isang mapayapang eleksiyon at maging maingat sa pagboto.
“Mag-ingat po kayo and let’s continue praying for a peaceful election. Maayos na eleksiyon. Matapat na eleksiyon.
View this post on Instagram
“Para sa atin ito kaya ipagdasal natin ang isa’t isa. Tayong lahat. Oras na para ipagdasal natin ang isa’t isa,” pahayag ng komedyante.
Bukod kay Vice, nagbigay din ng mensahe ang mga co-host niya sa programa kabilang na sina Vhong Navarro, Kim Chiu at Ogie Alcasid.
“Huwag nating sayangin ang karapatan na bumoto. Kaya go out and vote wisely,” pahayag ni Navarro na bumoto nang maaga kanina.
“Base sa experience pagpasok ng balota huwag kalimutan na tingnan o i-double check ‘yung resibo kung tama ‘yung mga binoto niyo bago niyo,” aniya pa.
Muli namang nagpaalala si Kim sa mga botante na huwag ipahawak sa ibang ang kanilang balota. At tulad ng ibang bumoto kanina, tatlong oras din siyang naghintay at pumila bago nakaboto.
“Konting tiyaga lang ‘yon para sa karapatan ng Filipino. A little bit of tiyaga for your vote,” sey ni Kim kasabay ng paalala sa mga botante na magdala ng pamaypay at tubig dahil sa napakainit na panahon.
Dagdag pa ng dalaga, “Ang sarap sa feeling kapag boboto ka. You exercise your right, ‘yung pagiging Filipino citizen. So go out and vote.”
Sabi naman ni Ogie na maaga ring bumoto kasama ang asawang si Regine Velasquez, huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa mga election volunteer kung nahihirapan sa paghahanap ng polling precinct.
https://bandera.inquirer.net/305524/b-day-wish-ni-kris-ipagdasal-ang-taong-love-na-love-nila-ni-p-noy-may-message-rin-kay-ping-lacson
https://bandera.inquirer.net/286335/sunshine-nagpasalamat-sa-dating-asawa-nadapa-ako-at-nagkamali-pero-mabuti-siyang-tatay
https://bandera.inquirer.net/309997/tatay-ni-catriona-maayos-na-ang-kundisyon-my-dad-is-the-strongest-person-i-know-my-real-life-hero
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.