Jodi halos mapaiyak matapos bumoto; Heart 6 a.m. pa lang nakaboto na kasama si Chiz
NAGING emosyonal ang award-winning Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa kanyang pagboto kanina.
Isa ang “The Broken Marriage Vow” lead star sa mga celebrities na maagang bumoto ngayong umaga para sa Eleksyon 2022.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Kapamilya star ang litrato niya pagkatapos niyang mag-cast ng kanyang vote kung saan ipinakita pa niya ang daliring nilagyan ng indelible ink patunay na nakaboto na siya.
“Felt so emotional kanina while filling out my ballot. Nag-ingat ng husto sa pagmarka dahil baka hindi mabasa ng machine,” simulang pahayag ni Jodi sa kanyang caption.
“Nu’ng nabasa na ng machine, lumabas ang resibo, napasobra ang lagay ng ink sa daliri ko halos napaiyak ako (dahil mahapdi rin siguro dahil sa kakakutkot ko ng index finger ko bago bumoto Election anxiety perhaps?).
“Proud ako kasi alam ko tumindig ako.
“Vote wisely, Pilipinas! Sa boto mo nakasalalay ang kinabukasan mo,” paalala pa ni Jodi sa lahat ng botante.
View this post on Instagram
Isa pa sa mga artistang maagang bumoto ay ang Kapusp actress na si Heart Evangelista kasabay ang asawang si Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero.
Dumating ang mag-asawa sa Buhatan Integrated School sa Sorsogon City alas-6 ng umaga na saktung-sakto sa pagbubukas ng kanilang voting precinct.
Ayon sa Provincial government spokesperson na si Dong Mendoza, tumagal lamang ng pitong minuto ang kanilang pagboto.
Muling tumatakbo sa pagkasenador si Chiz ngayong taon. Naging senator ang mister ni Heart mula noong 2007 hanggang 2019.
https://bandera.inquirer.net/303073/jodi-inatake-ng-psychological-sepanx-after-ng-lock-in-taping-sa-baguio-nasa-real-world-na-ba-ako
https://bandera.inquirer.net/312565/jodi-sta-maria-hindi-ito-ang-panahon-para-manahimik-lang-kailangang-manindigan-na-tayo
https://bandera.inquirer.net/305285/angel-pinaratangan-nang-manawagan-sa-wais-na-pagboto-huwag-nyong-bolahin-ang-mga-tao
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.