Ping Lacson, Bongbong Marcos, Ka Leody nakaboto na sa kani-kanilang voting precinct
MAAGANG bumoto ngayong umaga ang tatlong presidential candidates na sina Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., Sen. Panfilo Lacson at Ka Leody de Guzman.
Bumoto si BBM sa Batac, Ilocos Norte dakong alas-7 ng umaga, ilang minuto lamang ang nakalipas matapos magbukas ang mga polling precincts doon.
Nakitang kasama ni Bongbong na dumating ang ilan niyang staff and security aide sa nasabing lugar at dire-diretso ngang pumasok sa classroom precinct sa Mariano Marcos Memorial Elementary School.
Kasama rin ni BBM ang kapatid na si Irene Marcos, ang anak na si Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos III, at ang incumbent governor ng Ilocos Norte na si Matthew Marcos-Manotoc.
Pagkalabas ni Bongbong sa nabanggit na paaralan ay nagsigawan ang kanyang supporters ng, “BBM! BBM! BBM!”
Nabatid na dumiretso sa isang simbahan sa Batac ang grupo ng dating senador kung saan sila nagkita ng kanyang ina at dating First Lady na si Imelda Marcos.
Samantala, nakaboto na rin si Sen. Ping Lacson sa isang polling precinct sa Bayan Luma 3, Imus, Cavite bago mag-7 a.m..
Aniya sa isang panayam, tatanggapin niya kung anuman ang magiging resulta ng halalan ngayong 2022.
“Sabi ko nga eh, dalawa lang ang pwedeng puntahan eh — pwede pumunta ka ng Malacañang o umuwi ka ng bahay. Pag umuwi ka ng bahay, e di masaya buhay mo kasi tahimik ang buhay.
“I’ve stayed in government for 50 years, and I feel fulfilled, ginawa ko naman yung trabaho ko,” aniya pa.
Sa Cainta Elementary School naman sa Cainta bumoto ang isa pang presidential candidate na si Leody de Guzman.
Ayon kay Ka Leody, matalo man siya sa laban, naniniwala siya na nagtagumpay siya sa pagpo-promote ng labor rights ng lahat ng manggagawang Pinoy sa ilang linggong pangangampanya.
https://bandera.inquirer.net/308830/karen-sa-chikang-ineendorso-si-bongbong-marcos-im-not-campaigning-for-any-candidate-trabaho-po-ito
https://bandera.inquirer.net/305285/angel-pinaratangan-nang-manawagan-sa-wais-na-pagboto-huwag-nyong-bolahin-ang-mga-tao
https://bandera.inquirer.net/312786/ivana-alawi-ginalaw-na-ang-baso-isang-certified-kakampink
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.