Sharon sa tsismis na nakakaubos daw siya ng buong lechon: Kawawa naman yung baboy, nakakahiya naman, di ba?!
KITANG-KITA na ngayon ang napakalaking pagbabago sa katawan ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.
Sa loob ng anim na taong pagtitiyaga at disiplina, finally, na-achieve na rin ng OPM icon at Box-Office Queen ang kanyang inaasam-asam na fit and healthier body.
Ayon kay Mega, alam na alam niya ang feeling ng mga taong nilalait at bina-bash dahil sa kanilang timbang o hugis ng katawan dahil pinagdaanan din niya ito.
Kaya naman sa isang online interview, natanong si Sharon kung ano ang reaksyon niya sa patuloy na lumalalang bullying sa social media, lalo na sa mga nanlalait ng kapwa dahil sa kanilang itsura.
“It’s 2022, stop body shaming. There’s no sense to it. We’re all born with different body types and some of us gain weight faster, lose weight faster, never gain weight or gain all the weight.
“Please, there’s no sense in it. Stop it. It’s not uso. It’s hurtful, it’s not healthy. And you are not perfect either,” ang matapang na pahayag ni Mega sa panayam ng ABS-CBN.
View this post on Instagram
Patuloy pa niya, “Pero kung gusto mo maging healthy, something has to give. At ako, gusto ko pa maging leading lady. Habang puwede pa why not di ba? I owe it to my audience. Artistas are aspirational. Dapat nakaka-inspire ka. I want to run around with my grandchildren pa.
“But if you’re overweight, please don’t let people make you feel bad about yourself. It’s your self-image. It’s self-love. It’s really your choice. Please do not be affected.
“If I wasn’t in showbiz, I would probably just enjoy food all the time. I’m not vain at all. But I’m doing it more for my health. It’s important to also be comfortable in your own skin,” diin pa niya.
Samantala, may reaksyon din si Sharon tungkol sa mga taong bina-bash dahil sa pagpaparetoke, “Stop body shaming and stop picking on people who have their faces retouched or whatever.
“If you have a perfect face but your nose is flat, why not have it done? Di ba? ‘Yung mas bagay sa mukha mo. O kaya yung papano naman yung pinanganak kang may harelip, yung ganu’n?
“That’s why I appreciate plastic surgery. I don’t say I’m recommending it but if it will make you happy and you can afford it, why not? And it’s nobody’s business but yours. It’s your life, it’s your face, it’s your body.
“If you’re comfortable as you are, congrats to you, God bless you. If you’re not, there are things that you can do. But don’t get addicted. Don’t change your face, enhance it. Don’t look like someone else when you come out,” dagdag pa ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan.
Inamin naman ni Sharon na pwede pa niyang pag-isipan ang pagsailalim sa operasyon o surgery para sa kanyang weight loss journey kung medyo bata-bata pa siya.
“Sana if I was siguro in my late 30s or early 40s when I started gaining weight after Miel. I had her at 38. Siguro I would’ve had gastric bypass surgery had I been sure it was safe.
“It was safe for a family member I know but kasi kailangan i-psyche ko daw muna yung sarili ko na hindi mo na makakain masyado yung gusto mo. Eh, I’m a bread person and I eat everything. Everybody sees me eating everything. But eat, not banat. So there’s a difference.
“You have to realize and accept that once you get the craving satisfied, stop ka na. You can do a couple of spoonfuls. Huwag mo na ubusin yung buong slice ng cake.
“May nagtsismis pa nga noon eh, dati raw nakakaubos daw ako ng isang lechon de leche. Sino namang tao, hindi ka naman 350 pounds na nakakaubos ng maliit na baboy.
“Kawawa naman yung baboy. Nakakahiya naman, di ba? Parang pag-akyat ko sa langit sasabihin niya, ‘Ako yung nilunok mo.’ Ang gusto ko lang balat at saka konting laman. Tapos, tapos ka na kasi mauumay ka naman. Biruin mo may nagtsitsisnis ng ganu’n?
“So now I eat pero everything in moderation. So it’s taken me six years pero masaya ako kasi nakakain ko yung gusto ko. Hindi ka haggard. Gusto ko mag-surgery pero I have extra skin.
“Pero I’m weighing it kasi magkaka-scar ako. Pumayat ka nga pero may balat na natira dahil wala ng laman yung taba. Hindi naman lipo ang solusyon diyan. So kailangan tanggalan ng skin. So wini-weigh ko yun ngayon kasi masama ako mag-scar,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/296715/manilyn-kinakarir-ang-pagwo-workout-naadik-sa-boxing-at-hula-hoop
https://bandera.inquirer.net/310946/ai-ai-super-healthy-seksing-seksi-sa-edad-na-57-6-years-nang-lumalafang-ng-organic-at-gluten-free
https://bandera.inquirer.net/286218/camille-sa-mga-hindi-natutuwa-sa-kanyang-pagpayat-wala-akong-nakikitang-mali-sa-katawan-ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.