Cristy Fermin kay Lorenzo Legarda Leviste: Salamat talaga hindi kita naging anak! | Bandera

Cristy Fermin kay Lorenzo Legarda Leviste: Salamat talaga hindi kita naging anak!

Reggee Bonoan - May 07, 2022 - 06:36 PM

Cristy Fermin kay Lorenzo Legarda Leviste: Salamat talaga hindi kita naging anak!

“PAKINGGAN mo ‘yung (kantang) ‘Ugoy ng Duyan’ para mahimasmasan ka pero salamat talaga hindi kita naging anak!” ito ang diretsong mensahe ni Nanay Cirsty Fermin sa anak ni Ms Loren Legarda na si Lorenzo Legarda Leviste.

Nag-viral ang open letter kamakailan ni Lorenzo para sa inang si Loren Legarda na kumakandidatong senador at kasama sa UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio na tumatakbong Presidente at bise presidente ng bansa.

Marami kaming nakausap na okay sa kanila ang open letter ni Lorenzo dahil napagod na siya sa ina na umanib sa grupong hindi niya gusto o suportado ngayong eleksyon 2022.

Pero para sa hosts ng Showbiz Now Na YouTube channel na sina Morly Alinio, Romel Chika at Nanay Cristy Fermin ay big NO ang ginawang pamamahiya ni Lorenzo sa ina sa mata ng publiko.

Sa pagpapatuloy ng batikang manunulat at online host, “naging masyado akong sensitibo kasi ilang araw na ang nakakararaan nabasa ko ‘yung pambabastos, aglahi, pagtatakwil ng anak ni Senator Loren Legarda sa kanya.”

Sabi rin ni Romel na buong Piliinas ang nakabasa at nakarinig ng kuwentong ito.”

Sabi pa ni nanay Cristy, “alam mo ‘yung national na emosyon nu’nbg umagang mabasa ko, alam ko ‘yun ang nararamdaman ng lahat ng nanay na nakabasa ng sulat.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Loren Legarda (@iamlorenlegarda)

 

“Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yung galit, ‘yung matinding pagtatakwil sa kanyang ina nitong si Lorenzo.

“Sabi ko nga ‘yung siyam na buwan palang na dinala tayo ng ating magulang hindi na nga nating kayang bayaran ‘yun.

“Paano pa ‘yung pagpapalaki, pagpapa-aral, at pagmamahal. Walang katumbas ng kahit magkano ‘yan.”

Hirit naman ni Morly, “Ang masakit nito ‘yung itakwil ka ng sarili mong anak ng dahil lang sa pulitika at isang paniniwala na may kanya-kanya naman tayong dahilan kung bakit natin pinaniniwalaan ang isang bagay… kulang sa respeto!”

“Hindi ko sinasabing isang daang porsiyentong perpekto si senadora Loren, maaraming mayroon silang mga differences habang lumalaki si Lorenzo pero hindi ko maapuhap ‘yung sasabihin ko kung paano ang isang anak ng dahil lang sa kulay ng pulitika ay itinakwil ang ina at minura-mura! PInagmumura niya talaga,” diin ni ‘nay Cristy.

Dagdag pa, “okay lang kung sa loob ng tahanan nila ay nagpapalitan sila ng kanilang mga opinyon kahit magmurahan sila, pero sila na lang dalawa hindi na alam ng publiko.

“Ang sabi niya ang nanay daw niya ay tinuruan silang maging righteous. Sila ng kapatid niyang si Leandro pero ngayon daw ibang-iba na ang kulay ng kanyang nanay na nakakahiya at hindi ipinagkakapuri dahil kumampi raw at sumanib si senadora Loren Legarda sa mga tao na ang tawag niya ay facista, si BBM at si mayor Sara.

“Ito raw ‘yung mga taong hindi niya malunok kaya ang nanay niya ay itinatakwil na rin niya (at) hindi na raw niya nanay si senadora Loren!

“Alam mo napakasakit no’n lalo na sa mga nanay kasi nga alam naman po natin na kahit hirap na hirap tayo sa buhay uutangin po natin ang lahat ng pagkakataon, lahat ng bagay para maibigay natin sa ating mga anak ang nararapat at kung hindi kaya ibibigay pa rin!”

Sapantaha naman ni Romel Chika ay baka may pinanggagalingan si Lorenzo na hindi nila pinagkasunduan ng ina kaya sumiklab na.

Pero para kay Morly bilang tumayong ama’t ina sa mga anak niyang lalaki, “pero ang nakikita rito ate Cristy ‘yung pagsasalita ni Lorenzo sa kanyang ina. At ikaw ate Cristy (sabay baling) bilang isang ina pag nagsalita ng hindi maganda sa ‘yo ang iyong anak, ano ang unang magiging reaksyon mo?”

“Kaya nga sabi ko nu’ng mabasa ko ‘yung sulat ay nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi ko siya anak. Walang anak ko na nagsalita sa akin ng masama para ikasakit ng kalooban ko.

“Salamat na rin sa milyun-milyong nanay dito sa Pilipinas hindi natin naging anak itong tabas ng dila nitong batang ito,” saad ni nanay Cristy.

At ang payo ni ‘nay Cristy kay Lorenzo.

“Sana makita mo sa puso moa ng panghihingi ng patawad sa iyong ina dahil ikut-ikutin man natin ang buhay ng buong mundo, pumutok man ang lahat ng mg bulkan wala tayong lahat dito kung wala an gating ina.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, may nakarating sa amin na hindi sassagutin ni senadora Loren ang ginawa ng anak.

Related Chika:
Trabaho, kabuhayan sa mga barangay titiyakin ni Loren Legarda

Lutong Pinoy gustong ipakilala ni Loren Legarda sa buong mundo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending