Lalaking sumigaw sa viral video ni Jillian Robredo, nagsalita na: Hinding-hindi ako hihingi ng tawad
NAGSALITA na ang diumano’y lalaking sumigaw habang nangangampanya ang anak ni Vice President Leni Robredo na si Jillian Robredo sa Baguio Public Market nitong Martes, April 26.
Sa pamamagitan ng isang video na in-upload nito sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang kanyang panig patungkol sa nangyari.
Pagkukwento ng lalaki na nakilala bilang si Cliff Lewis, wala raw katotohanan ang lumalabas na balita na sinigawan niya si Jillian dahil ang nakausap at nakasagutan raw niya ay isa sa mga supporters ni VP Leni.
“Nagmamadali po kasi ako kahapon tapos po ang nangyari, lahat po ng supporters ni Leni, bina-block po nila ‘yung daanan ng public market. Ngayon po, sa mga nagmamadali ng mga oras na yun, halos lahat po kami nag-e-excuse na po. Nagmamakaawa na tumabi sila kasi may hinahabol kaming oras,” saad ni Cliff.
Sinabi rin niya na walang katotohanan ang lumabas sa isang news channel dahil hindi raw niya nakita o nakausap si Jillian.
Una na kasing napabalita na si Jillian ang sinasabihan ng lalaking sumigaw base na rin sa mga kumalat na video clips sa social media.
“Hindi ko po nakikita yung anak po ni Madame Leni at hindi ko po nakakausap. Ni nakaharap po ay hindi ko po nakaharap. Noong araw at oras po na ‘yun, ang kasagutan ko po sy yung supporter kasi ganito po ang sinabi sa akin kahapon.
“Noong sinabi ko pong ‘Excuse po, padaan po’ kasi nagmamadali ako, ang sagot po sa akin ay ‘Wala akong pakialam. Ang importante, iboto mo si Leni. Ngayon, ang sagot ko po, ‘Ay ganun po ba? Hindi pa po nananalo si Madame Leni, nagiging diktaturya na kayo. Bintang kayo nang bintang na si Marcos ang diktaturya. Hindi pala, kayo pala ang diktaturya’,” pagpapatuloy ni Cliff.
Dito na nga raw may lumapit sa kanya na mula rin daw sa mga tagasuporta ni VP Leni kasama ang dalawang pulis at dinuro-duro daw siya.
Pinalagan niya raw ang supporter at sinabing, “Huwag mo akong iduro-duro kasi tagarito ako. Igorot ako. Kayo dayuhan lang.”
Matapos raw ng sagutan ay agad siyang inawat ng mga pulis mula sa Baguio.
Saad pa niya, kung may mali man daw siyang sinabi ay dahil na rin daw sa kabastusan diumano ng supporters ni VP Leni.
“Hindi po sana ako maging bastos kung hindi sila nagsalita at hinayaan na lang kaming dumaan,” dagdag pa ni Cliff.
Dapat rin daw na huwag nang mangampanya sa mga public market dahil may mga tamang lugar naman daw para sa pangangampanya.
“Ngayon po, kung alam n’yo po na ang ginawa ko ay mali, pasensya na po kayo. Hindi po ako humihingi ng tawad sa nangyari kahapon dahil wala po akong dapat ipaghingi ng tawad,” saad ni Cliff.
Nilinaw rin niya na wala siyang personal na galit sa kanyang mga kababayan na maka-Leni at talagang naperwisyo lang daw talaga siya noong araw na iyon.
Samantala, humingi naman ng paumanhin si Baguio City Mayor Benjie Magalong kay Jillian dahil sa naganap na kaguluhan noong bisitahin niya ang Baguio Public Market.
Related Chika:
Frankie, Jillian suportado ang mga magulang sa pagtakbo sa 2022
Jillian Robredo sinigawan habang nangangampanya sa Baguio City
Mga anak ni VP Leni kinilig kay Daniel; sino naman kaya ang pambato ni Kathryn sa Eleksyon 2022?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.