Frankie, Jillian suportado ang mga magulang sa pagtakbo sa 2022
NAG-POST si Vice President Leni Robredo ng litrato ng kaniyang anak na si Jillian Robredo kasama si Frankie Pangilinan, anak ng kaniyang running mate na si Sen. Kiko Pangilinan.
Ayon sa kaniyang Facebook post, nagkita ang dalawa na parehas nakasuot ng pink na damit at nagdesisyong mag-isip kung paano sila makakatulong sa mga magulang kahit na nasa malayo sila.
Parehas na nasa New York sina Jillian at Frankie dahil sa kanilang pag-aaral.
Kuwento ni VP Leni, ang anak na si Jillian ang pinaka nahirapan sa kaniyang naging desisyon.
“She feels so helpless being alone and far from us. She wanted to go home but I told her that the best gift she could give me at thid time is not to allow this to disrupt her senior year,” pagbabahagi ni VP Leni.
“So glad that Frankie is there and they can both share the burden and the difficulties. As parents, both Sen Kiko and I always feel guilty of how our families suffer whenever we answer the call of duty. But both of us are lucky that when it’s game time, our families are behind us 100%,” dagdag oa nito.
Samantala, bago pa man ang post ni VP Leni ay nauna nang mag-post si Frankie ng screenshot ng kanilang pag-uusap ni Jillian noong Oktubre 7.
Ito ay matapos ianunsyo ni VP Leni ang kaniyang pagtakbo bilang pangulo sa 2022 national elections.
Base sa screenshot ay kinamusta ni Kakie si Jillian matapos mag-trending ni VP Leni dahil sa kaniyang anunsyo.
“Bonding nga tayo nakakaumay,” saad ni Frankie na pinaunlakan naman ni Jillian.
Mukhang ito na nga ang “bonding” na sinasabi ni Kakie na tila naging brainstorming para makatulong sa kampanya ng mga magulang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.