Sa wakas, Baron Geisler naka-graduate na sa college: It's never too late! | Bandera

Sa wakas, Baron Geisler naka-graduate na sa college: It’s never too late!

Ervin Santiago |April 26,2022
facebook
share this

Sa wakas, Baron Geisler naka-graduate na sa college: It’s never too late!

Ervin Santiago - April 26, 2022 - 03:42 PM
Sa wakas, Baron Geisler naka-graduate na sa college: It's never too late!

SA wakas, natupad na rin ang isa sa mga ultimate dream ng kontrobersyal at magaling na aktor na si Baron Geisler.

Proud na proud na ibinandera ng Kapamilya actor at Vivamax star sa buong universe ang isang biggest achievement niya sa buhay — ang makapagtapos ng college.

Ayon kay Baron, finally ay may maipagmamalaki na siyang college diploma matapos gunradweyt sa edad na 39, sa kursong Theology.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, excited na ibinahagi ni Baron ang kanyang mga litrato na kuha sa kanilang graduation rites sa All Nations College sa Antipolo, Rizal.

Naganap ang graduation ceremony nina Baron ngayong araw, April 26. Aniya sa caption, “It’s never too late.”

“My journey has reached its goal, and opened a way before me. Thank you Lord!” mensahe pa ni Baron na nasangkot na naman sa kontrobersya matapos silang magkaroon ng away ng asawang si Jamie Evangelista.

Bukod dito, nag-post din ang aktor sa IG Stories ng mensahe ng pasasalamat sa isang nagngangalang Doc Eph na tinawag niyang mentor.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler)

 

Ito raw ang tumulong at gumabay sa kanya habang nagpupursige sa pag-aaral hanggang sa makuha ang pinakaaasam na college diploma.

“2019 tayo nag-start at eto na po, nasagot ng Panginoon ang aking pangarap na makapagtapos ng kolehiyo,” aniya pa.

Ilang celebrity friends naman ni Baron ang bumati sa kanya, tulad nina Janno Gibbs, Princess Punzalan at marami pang iba.

Marami naman ang nakapansin na wala sa mga graduation pictures niya ang misis na si Jamie at anak nilang si Talitha Cumi.

Kamakailan lang ay inamin ni Baron na bumabalik na naman ang problema niya sa pagiging alcoholic, matapos ngang ibuking ni Jamie na nagsimula na naman siyang tumoma.

“I am learning to live life on life’s terms. I’m doing service in our community. I work out every day. I have to cook dinner on Thursdays and clean the yard and garden and look after four dogs. I am still actively working to provide for my family.

“Hopefully, we can soon be back together when emotions are less raw. I pray for Jamie every day and ask the Lord’s grace for me as I work on my program,” pahayag ni Baron.

 

Related Chika:
Baron Geisler viral na naman: Sinong kailangang i-rehab?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baron balik sa pagtoma, asawang si Jamie napuno na: Grabe ang pag-relapse niya lately kaya magpapa-rehab daw siya uli

Baron Geisler: Nawalan ako ng Diyos…feeling ko kasi ako yung pinakamagaling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending