Vince Rillon #shookt nang manalong best actor sa 19th Asian filmfest: Nahiya po ako sa suot ko | Bandera

Vince Rillon #shookt nang manalong best actor sa 19th Asian filmfest: Nahiya po ako sa suot ko

Ervin Santiago |April 24,2022
facebook
share this

Vince Rillon #shookt nang manalong best actor sa 19th Asian filmfest: Nahiya po ako sa suot ko

Ervin Santiago - April 24, 2022 - 06:30 AM

Vince Rillon at Brillante Mendoza

UNTIL now ay nasa Cloud 9 pa rin ang sexy actor na si Vince Rillion matapos magwaging best actor sa katatapos lamang na 19th Asian Film Festival.

Ito’y para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang “Resbak” na idinirek ng internationally-acclaimed and award-winning filmmaker na si Brillante Mendoza.

Kuwento ni Vince, hinding-hindi niya malilimutan ang pagpunta nila ni Direk Brillante Mendoza sa Rome, Italy dahil talagang hindi niya in-expect na maiuuwi niya ang tropeo para sa pinakamagaling na aktor ngayong taon.

Ginanap ang awards night ng 19th Asian Film Festival sa Cinema Farnese, Campo De Fiori, Rome, noong April 12.

Sa online mediacon ng latest movie ni Vince sa Viva Films, ang “Kaliwaan” kasama si AJ Raval, naikuwento niya ang naging experience niya pagtanggap ng kanyang award.

“Nu’ng nasa Rome ako, hindi ko ma-feel. Nang umuwi po ako sa Pilipinas, du’n ko na naramdaman na ang sarap po pala. Speechless po kasi ako nu’ng araw na yun. Hindi ako makapaniwala.

“Parang hindi ko ma-explain yung nararamdaman kong saya. Ngayon ko lang po napi-feel na napaka-blessed ko po.

“Yung opening po ng festival, siyempre naka-coat, formal, and tuwang-tuwa ako dahil blessing na po sa akin na nakapasok yung pelikula ko at nag-compete sa festival,” simulang pahayag ng binata.

Aniya pa, “Nagpunta kami ni Direk sa Vatican. Nag-pray na ako, nagpasalamat na ako kay Lord dahil, unang-una, nakapunta ako sa Vatican. Pangarap ko po talaga na makapasok sa loob ng simbahan na yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vince Rillon (@vince_rillon)


“And two days before the awards night, sabi ko kay Direk, ‘Puwede ba huwag na tayong mag-formal?’ Sabi niya, ‘Itanong natin.’ So, puwede raw, huwag na kaming magsuot ng coat or formal,” chika ni Vince.

Pag-alala pa niya, “Ang alam ko si Direk Brillante ang bibigyan ng Lifetime Achievement Award. Maya-maya, tinawag yung pangalan ko.

“Hindi ako prepared. Hindi ko talaga inaasahan yun. Lalo akong natuwa nung tawagin yung pangalan ko. Nagulat din si Direk nang biglang tawagin yung pangalan ko.

“Sabi ko, ‘Direk, ako ba yung tinatawag?’ Hindi pa ako tumatayo hanggang yung emcee, tinawag ako, ‘Vince Rillon, Vince Rillon, come…come.’

“Nagulat po ako, tumayo ako. Nahiya rin po ako sa suot ko dahil hindi po ako nakaayos. Nakapantalon lang ako at simpleng damit lang din,” sabi pa ni Vince.

“Speechless ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagpasalamat na lang po ako kay Lord and then sa harap ng aking manager na si Direk Brillante. Yung team ng Resbak.

“Hindi ko po alam ang sasabihin ko. Para akong nabigla.Na-shock po talaga ako,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, bukod kay AJ Raval, makakasama rin ni Vince sa bago niyang suspense-sexy-action movie na idinirek din ni Brillante Mendoza at ni Daniel Palacio, sina Mark Anthony Fernandez, Denise Esteban, Felix Rocco at Juami Gutierrez. Mapapanood na ito sa April 29 Vivamax

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vince Rillon ayaw mang-rebound: Ayokong gawin sa iba para hindi mangyari sa mga kapatid kong babae

Aktor na nadiskubre ni Brillante Mendoza nang dahil sa 100 kutsara at 100 tinidor papalit sa trono ni Coco?

Paolo Gumabao sa sex scenes nila ni Vince Rillon: Ano p’re? Sasagarin ko ’to ha, para one take lang!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending