ni Ervin Santiago, Entertainment Editor, Bandera
NAG-ENJOY kaming kachika ang prangka at walang takot na TV host-comedian na si John “Sweet” Lapus. Marami kaming nalaman tungkol sa personal na buhay ni Sweet. Napapanood natin siyang nagpapatawa at nagtatatalak sa TV, pero seryosong tao pala siya.
Nalaman namin na nu’ng bata pa si Sweet ay may suicidal tendency pala siya, pero hindi raw ‘yun dahil sa lalaki. At alam n’yo ba na minsan sa buhay niya ay kinailangan siyang dalhin ng kanyang kaibigang si Eugene Domingo sa psychiatrist dahil sobrang na-depress siya nang iwan siya ng kanyang boyfriend?
Aware rin si Sweet sa mga nagaganap sa lipunan, hindi lang naman daw kasi showbiz dapat ang focus ng atensiyon ng isang celebrity, dapat daw ay sensitive rin ang isang artista sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran.
Narito ang kabuuan ng one-on-one interview namin kay John Lapus.
BANDERA: Anong ginagawa mo kapag wala kang work?
JOHN LAPUS: Ay, pag wala akong trabaho, most likely makikita mo ako sa sinehan, mahilig talaga kasi akong manood ng sine. Mahilig din akong manood ng TV, ng DVD, pero mga TV shows ‘yun, mga series, wala akong masyadong DVD movies sa bahay. Unless ibigay sa akin.
B: Gumigimik ka pa ba? Kasi parang sobrang hectic ng schedule mo?
JL: Minsan. ‘Yun nga kapag after kong manood ng sine, I make sure that I would enjoy that night, I would have fun with my friends, kasi, kailangan mong mag-unwind talaga, e, after ng sunud-sunod na trabaho. Talagang hahanap ako ng isang araw para makapag-relax ako para ma-energize ako dahil the next day trabaho na naman.
B: How do you describe your life now?
JL: A, ano ba? I think I’m happy, but not contented. Contentment would sound selfish, but at the end of the day, tayo naman gusto natin talagang maging kuntento sa buhay. Ako, to be honest, masaya ako ngayon, pero hindi ko masasabi na ako’y kuntento.
B: Ano ang wala, ano pang kulang?
JL: Well, dati ang lagi kong sinasagot, boyfriend. Pero ngayon honestly, hindi ko na hinahanap. Nakakapagod na ring maghintay, e. Siguro, ngayon, gusto kong magkaroon ng sarili kong bahay at lupa. Kasi imagine, ang tagal-tagal ko na sa showbiz, 16 years na ako dito, pero wala pa rin akong sariling house and lot. Well, may bahay na ang pamilya ko, secured na sila, pero yung sarili ko talaga na pwede kong maipamana sa mga pamangkin ko, sana meron din. So hopefully, ngayon na sunud-sunod ang mga projects na ibinibigay sa akin ng GMA, sana ngayong taon, makabili na ako ng bahay at lupa.
Pero ang nakikita ko pang problema, baka may pambili na ako, wala namang oras na maghanap. Sa ngayon, du’n ako nakatira sa Project 8, sa townhouse ni direk Wenn Deramas, nagre-rent lang ako du’n.
B: So, lovelife na lang ang kulang kapag nabili mo na ang bahay at lupa na dream mo?
JL: Siguro, oo, pero ngayon, parang okay na rin ako. Hindi ko na talaga hinahanap, hindi tulad dati na talagang parang hindi ako mabubuhay ng walang lovelife. Okay na ko du’n, may sex life naman ako, hindi naman pwedeng mawala ‘yan, di ba?
Siguro, dahil na rin sa mga pinagdaanan ko sa buhay, bilang isang bakla, mature gay man na akong maitutring. Alam ko na kasi ang katotohanan na…number one ang pag-ibig ay hindi talaga hinahanap, number two, mas gusto kong mag-concentrate sa pagmamahal ko sa sarili ko, sa family ko, kesa sa ibang tao, o ibang lalaki for that matter. In the past, nagkaroon ako ng mga dyowa, minahal ko. Kahit nga alam kong hindi naman talaga nila ako mahal, minahal ko pa rin. Ngayon panahon na para mahalin ko naman ang sarili ko, kasi kapag mahal ko na ang sarili ko, naa-appreciate ko na kung ano ang meron ako, ‘yung mga blessings. Nagsisimula ko nang mabigyan ng enough attention ang family ko, ang mga kaibigan ko na sa hirap at sa ginhawa kasama ko.
B: Iniiyakan mo rin ba ang mga lalaki?
JL: Noon, oo. Pero ngayon sila na ang umiiyak sa akin. Naman!
B: Was there a time na parang sobrang na-depress ka dahil sa mga kanegahang nangyayari sa buhay mo, lalo na dahil sa lalaki?
JL: Meron, oo dahil sa lalaki. Years ago na. Umabot ako sa hindi na ako lumalabas ng bahay. Umabot ako sa point na kapag nagkikita kami ng mga kaibigan ko, puro emote na ‘yung laman ng bibig ko. Senti-senti ganyan. Kaya ’yung mga kaibigan ko, si Eugene Domingo in particular, she brought me sa isang psychiatrist para malinawan ang utak ko. Siya pa ang nag-pay, ha! So, naisip ko, ganu’n ang tunay na kaibigan, di ba? Hindi ka iiwan sa anumang laban.
I remember, na-blind item pa ako noon na na-mental daw ako. Hindi naman, psychiatrist lang. Thank God, hindi naman ako umabot sa mental.
You know, it helped me a lot, sobrang nakatulong ‘yun sa pag-move on ko.
B: Hindi ka naman humantong sa pagpapakamatay?
JL: Ay, suicidal, hindi naman ako ganu’n. Nu’ng araw, pero to be honest, yung mga suicide tsutsu ko nu’ng kabataan ko, hindi dahil sa lalaki. I mean, depression, sa family in a way. Yun bang malungkot ka lang tapos maiisip mong tsugihin mo na ang life mo! Ganu’n ako dati, kahit walang dahilan, bigla na lang akong malulungkot. Minsan nga, niloloko na ko ng mga kaibigan ko, may bipolar disorder na raw yata ako. May times na ngayon super saya ako tapos bigla na lang akong masa-sad. So now I’ve learned how to cope with it.
Number one rule, I really keep myself busy. Pero hindi ko naman masasabing workaholic, ‘yung balanse lang. Kasi kapag nasa work ako, hindi ako nade-depress, okay ako, hindi ako nalulungkot.
B: Ano ‘yung pinakamasakit na intriga na binato sa iyo? Yung talagang naapektuhan ka nang bonggang-bongga?
JL: Oh my God! To be honest, hindi naman ako masyadong nasasaktan sa mga intriga. Hindi ako masyadong naaapektuhan. Siguro, I know for a fact na walang pwedeng ibato sa akin ang sinuman na hindi ko kayang aminin on natonal TV, sa harap ng publiko. Lahat kaya kong aminin kasi hindi naman ako sinungaling. May mga bagay na hindi ko na lang dini-discuss dahil ayokong makasakit ng ibang tao, pero kung tatanungin nila ako, sasagutin ko. Kasi umiiwas na rin ako sa mga ganyan, para wala na lang gulo. So, may mga aspeto ng buhay ko na hindi ko na lang ikinukuwento.
Minsan nga kahit ka-close ko hindi ko na rin sinasabihan ng mga ganu’ng bagay. For example may ka-close ako, tapos mag-e-emote ako sa kanya about this certain person, siyempre, ang kasunod nu’n, baka magalit na rin siya sa taong ‘yun, ayoko naman ng ganu’n. Pero aaminin ko, nu’ng araw ganu’n ako, e. So, erase na ‘yun.
B: Ano ang nagpapalungkot sa iyo?
JL: To be honest, maraming bagay, pero unang-una, nalulungkot ako sa sistema ng gobyerno natin. Nalulungkot ako kapag nakakakita ako ng mga batang pulubi, ‘yung mga namamalimos sa daan. Yung mga batang walang makain. Kasi naniniwala ako na lahat ng bata ay dapat kumakain at may tirahan.
B: Sa personal na buhay mo?
JL: Siguro, wala na. Thank God, dahil wala na akong maisip na magpapalungkot pa sa akin na pwedeng mangyari sa akin. Pero siguro malulungkot ako, knock on wood, kung mamamatayan ako ng isang kaibigan o kamag-anak, but beyond that,
other than death, hindi na ako nalulungkot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.