Pinsan ni Francine panggulo lang sa chikang panunugod daw ni Andrea; Seth may non-showbiz dyowa na
SOBRANG naguluhan kami sa naging pahayag ng pinsan ni Francine Diaz na si Christle Ira Saenz tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ng young actress at ni Andrea Brillantes.
Salungat kasi ang ibinalita niya sa detalyadong kuwento ng ate ng una na si Chantal Diaz na walang sugurang nangyari noong Christmas Special ng ABS-CBN.
Nabalita kasi na sinugod daw ni Andrea si Francine sa dressing room nito at saka nagtatalak dahil may hindi siya nagustuhan na sangkot ang ka-loveteam na si Seth Fedelin.
Kinlaro na ito ni Blythe (palayaw ni Andrea) sa kanyang Instagram Live noong nakaraang gabi na walang sugurang nangyari at ganito rin naman ang kuwento ng ate ni Francine na si Chantal.
To quote Chantal, “About the rumor ng panunugod sa dressing room. The panunugod is not true that’s not exactly what happened.”
Kaya saan nanggaling ang ibinalita ng pinsan ni Francine na si Christle na totoong nagkaroon ng suguran. Nandoon ba siya nang mangyari ito Bakit hindi tugma ang pahayag niya sa sinabi ng pinsan niyang si Chantal?
Sabi ni Christle Ira Saenz, “Awit sayo girl ANDREA BRILLANTES! Hindi daw totoong sinugod? Ako na po nagsasabi sinugod n’ya’ yung pinsan ko sa dressing room! Sinugod mo kasi nag story ng pic with Seth di ba?! Ayaw mo mag story si Chin dahil ayaw mo magkaron ng chance ang FRANSETH!”
View this post on Instagram
Nag-imbestiga kami mula mismo sa kampo ni Francine na naroon din sa dressing room niya at siniguro sa amin ng aming source na walang sugurang nangyari.
“Ang totoo po, tumawag si Blythe kay Francine at mataas ang boses niya, ‘yun po ang totoo. Galit si Blythe that time,” sabi mismo ng isang nakausap namin mula sa kampo ni Francine.
Pagkatapos naman ng mahabang usapan at paliwanagan ay humingi ng sorry si Blythe kay Francine at naikuwento rin ito ng ate niyang si Chantal na, “Blythe already apologized privately months ago when a certain issue na nangyari. Again, sometimes nadadala tayo ng emosyon and we do things rashly and for that naintindihan ko sya.”
Hiwalay na noong October, 2021 sina Blythe at Seth pero nangako sila sa isa’t isa na tuloy ang loveteam at aalagaan nila ito.
At dahil pumutok ang larawang pumunta si Seth sa bahay nina Francine na inilabas ng mama ng dalaga sa kanyang Facebook account ang larawang magkakasama sila ng aktor pagkatapos ng Bagong Taon.
Gets namin si Blythe na nasaktan siya nang makita ang larawan dahil unang-una ilang buwan palang silang hiwalay at siyempre me selos factor pa plus ang loveteam ang inisip ng dalaga.
Pero sa kabilang banda naisip niyang maling-mali siya dahil naglabas siya ng emosyon sa social media na inamin naman niya sa kanyang IG Live nu’ng isang gabi.
Nalaman din namin na noong nagpunta si Seth kina Francine ang tunay palang dahilan ay para humingi siya ng dispensa sa ginawa ni Blythe dahil nga tinalakan niya ito sa telepono. Bukod dito ay nagsabi rin na maglalabas ng video at audio recording ng pag-uusap nina Andrea at Franz.
Kaya para matapos, pumunta nga si Seth at nag-picture-picture sila at mahigpit na bilin ng binata sa pamilya ni Francine na huwag na lang i-post ang pictures para walang isyu kasi nga hindi pa okay si Blythe.
E, kaso ipinost ng Mama ni Francine, so anong ibig sabihin no’n? Hindi niya tinupad ang pag-oo niya kay Seth? Na dahilan kaya na-upset si Andrea?
At ngayong parehong nag-IG Live na sina Seth at Andrea kaya klaro na ang lahat at nagkaliwanagan na rin.
Ang tanong, saan nanggagaling ang galit na galit na post ng Mama ni Francine na huwag daw idamay ang anak nya? Nabanggit ba ang pangalan ng anak niya sa IG Live ng SethDrea? Parang wala naman kaming narinig.
Sobrang bina-bash ng fans ni Francine si Blythe, pinagbabawalan ba ito ni Franz? Kasi may nakausap kaming fans ni Andrea na sinabihan silang huwag i-bash si Francine dahil nakiusap daw sa kanila.
Anyway, naipaliwanag na nina Seth at Andrea ang lahat, so klaro na. May boyfriend na si Andrea at alam naman ng lahat kung sino.
Si Seth kaya, kailan naman niya aamining may non-showbiz girlfriend siya? Yes dear readers yan ang nabalitaan namin at ang sabi hindi raw ito taga-showbiz.
And for the record uli, coming from Francine’s camp, matagal na pala nitong ina-eye na si Seth ang kanyang maka-loveteam not Kyle Echarri. Kaso mas pinaboran daw ng ABS-CBN management ang SethDrea.
But since alam na ng lahat na may kanya-kanya na silang partners in real life, so baka huling project na nila ang “Lyric and Beat”? Then baka nga matuloy na ang partnership nina Francine at Seth and that will be nice, finally matutupad na ang dream ng dalaga.
Sana matapos na ang mga isyu na masasabing “away-bata” ito na pinalaki lang ng mga taong nakapaligid sa mga bagets dahil may kanya-kanyang bersyon na imbes na pag-ayusin ay mas pinalala pa.
https://bandera.inquirer.net/303157/totoo-ba-ang-chika-andrea-sinugod-daw-si-francine-sa-dressing-room-dahil-kay-seth
https://bandera.inquirer.net/302259/francine-diaz-single-pa-rin-hindi-naman-sa-ayaw-ko-ng-love-life-pero-hindi-pa-po-ako-ready
https://bandera.inquirer.net/310614/ina-ni-francine-tinalakan-si-andrea-wag-mong-piliting-maubos-ang-pasensya-ko-magkakaalaman-tayo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.