Herbert humingi ng paumanhin kay Kris: Wala na ako sa tabi niya nu’ng panahong kailangang-kailangan niya
SA unang pagkakataon ay nagsalita na si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista sa panayam ni Ogie Diaz para sa YouTube channel nito na in-upload kagabi.
Si Herbert ay kumakandidatong senador mula sa UniTeam nina dating Sen. Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte.
Natanong ng talent manager cum vlogger kung ano nga ba ang ipinangako ni HB kay Kris Aquino para sabihing “huwag ninyong iboto kasi hindi marunong tumupad sa promise.”
Nangyari ito sa campaign rally sa Tarlac nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan na kumakandidato bilang presidente at bise presidente ng bansa.
“Well, si Kris is ano, very briefly lang ‘yung relationship namin. It’s my first time to talk about her,” bungad ni Bistek.
“And as much as possible ayokong (pag-usapan) kasi baka pagalitan ako, baka pagalitan niya ako ulit. Pagsabihan niya ako na I shouldn’t talk about her,” aniya pa
Hirit ni Ogie, “Ako naman ang nag-insist.”
“What I can say about Kris is that, she’s a very intellingent person, very caring person, talagang maalaga. And always the words of wisdom lagi kang makakarinig sa kanya.
“But we never stop communicating. There are times na hindi kayo magko-communicate walang text, walang call for about three, four, five months biglang magte-text siya, magte-text ako then kami ulit.
“One, two, three days (biglang wala ulit) ganu’n hanggang na-sustain ‘yun until namatay si PNoy (former President Noynoy Aquino). And then after that nawala ulit ‘yung communication,” paglalarawan ni Bistek sa naging relasyon nila ni Kris.
At nang magsalita nga raw ang Queen of Social Media sa Tarlac, “Hindi ko naman in-assume na ako ‘yun kasi wala naman siyang binanggit na pangalan.
“Nu’ng sinabi niyang bahagi ng UniTeam, kelan ko lang nalaman. I mean two days after kita ko may mga picture parang, ‘sino rito’ (tanong sa sarili). Hindi yata ako ‘yun, ah,” natawang sabi ni Bistek.
Dagdag ni Ogie, “Si Robin (Padilla) o ikaw?”
“James (Yap) was also part of UniTeam as konsehal sa San Juan,” saad ni HB.
View this post on Instagram
Nabanggit din ang pangalan ni Phillip Salvador na kumakandidato bilang party list pero ang diin ni Ogie ay national ang pinag-uusapan nila.
Ganting sagot ni Herbert, “E, wala naman siyang sinabing national o senador, so, hindi ko in-assume. At one point nasa Tarlac kami nu’ng nakaraan.
“Kung ako po ‘yun, ito na lang ang message ko sa kanya na sinabi ko sa stage, ‘malaki ang respeto ko sa pamilya mo at sa ‘yo. ‘Yung pagmamahal ko sa ‘yo bilang kaibigan ay hindi nawawala. Pagaling ka, kumain ka ng marami which I would always tell her,” sabi pa ng dating alkalde.
Muling tanong ni Ogie, “Ano ba ‘yung hindi marunong tumupad sa promise?”
“Well, pinag-usapan namin ‘yung marriage, pero siyempre marriage is a process. I think she went through the same, pero whirlwind, eh. Parang laging whirlwind ‘yung dinadaanan niyang relationship na nagpapakasal siya.
“E, ako naman kahit drama ‘yung buhay ko, conservative pa rin akong tao na let’s go through the motion, through the process.
“We talked about it but because of her experience and because of what happened to me parang that conversation about marriage was serious but not as serious in really getting married,” pag-amin ni Bistek.
Inaming wala silang komunikasyon ngayon ni Kris pero naniniwala siyang magkaibigan pa rin sila nito.
Ano ang natutunan ni ex-mayor Herbert sa relasyon nila ni Kris? “Kris is a masayahing tao kasi maraming nakapaligid sa kanya,” sambit ni HB.
Napag-uusapan din daw nila ni Kris ang tungkol sa dalawang anak ng TV host na sina Joshua at Bimby, “Lagi siyang may worry, especially even before na mayroon siyang sakit. Lagi siyang worried about her children.
“She’s always talking about her children and I guess ‘yung moment na nandoon ako sa buhay niya was more of a, ‘anong gagawin?’ ko? Parang (sabi ni Kris) sabi niya.”
(Tanong ni Kris kay HB), “Ikaw as a father anong gagawin mo?’ Parang I was there at the time na she needed somebody to talk about her kids. Lagi niyang sinasabi na point of view of a man. Ano ba sa tingin mo bilang isang lalaki, bilang isang tatay.
“Actually kapag nagbibigay din ako ng advice may realization din sa akin ‘yun. ‘O ‘yung advice na binigay ko parang hindi ko pa yata nagawa ‘yun, parang ganu’n. She’s a very caring, very, very caring person. Hindi mo siya puwedeng tawaran,” paglalarawan ni Bistek sa babaeng mahal niya bilang kaibigan.
Sa tanong ni Ogie kung mayroon siyang dapat ihingi ng tawad kay Kris, “Siguro more of paumanhin. Sa oras ng pangangailangan niya lalung-lalo nu’ng…ay wala na ako sa tabi niya. Only given a chance to be with her at this very trying time of her life. Kung open ang communications namin, I would have been there beside her.
“Kaya lang iba na ‘yung events ng nangyari sa amin and I really felt bad for myself also na wala ako sa tabi niya sa oras ng pangangailangan niya.
“I do pray for her n asana maging okay ‘yung karamdaman niya. She’s leaving for the States, I don’t know kung kailan lalabas ‘to, she left for the States pang matagalan para makapag recover. I hope and pray that she recovers soon enough,” madamdaming paliwanag ni Bistek.
Sa kasalukuyan ay walang update kung nakaalis na ng bansa si Kris para magpagamot sa Amerika pero kung ibabase ang inireport ni ‘Nay Cristy Fermin sa programang “Cristy Ferminute” nito lang na may planong sumampa ulit sa entablado para sa Kakampink ay malamang narito pa nga sa bansa ang mama nina Joshua at Bimby.
https://bandera.inquirer.net/299348/magandang-influence-si-herbert-kay-ruffa
https://bandera.inquirer.net/299467/ruffa-sa-height-ni-herbert-half-of-filipino-men-are-shorter-than-me
https://bandera.inquirer.net/309133/ano-nga-ba-ang-ipinangako-ni-herbert-bautista-kay-kris-aquino
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.