Shanti Dope mas naging maingat sa paggawa ng kanta matapos ireklamo ang ‘Amatz’; pasok bilang rap mentor ng ‘Top Class’
INGAT na ingat na ngayon ang Pinoy Rap Superstar na si Shanti Dope sa paggawa ng mga kanta matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan ng kanta niyang “Amatz.”
Ito yung pagharang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagpapatugtog na “Amatz” sa mga radio station dahil sa ilang bahagi ng lyrics nito na anila’y kontra sa intense campaign ng Duterte administration laban sa illegal drugs.
Nagpaliwanag naman agad si Shanti hinggil dito at sinabing wala siyang intensiyong magpakakontrobersyal.
“Hindi naman (ako affected). Okay lang, masaya yun. Naging isang parte ng biyahe ko. Makukuwento ko sa anak ko pagtanda ko na naging controversial ako minsan,” sabi ni Shanti.
“Ginawa ko lang kasi yun kasi masaya sa ako makagawa ng kanta. Kaag nakatapos ako ng kanta, dun ko nahahanap ang saya ng gusto ko. Wala akong intention mangyaring ganu’n. Pero masaya ako kasi naging parte siya ng career ko,” aniya pa.
Kamakailan, nakachikahan namin si Shanti at natanong nga namin kung paano na siya nag-iingat ngayon sa pagsusulat ng kanta na may kontrobersyal na tema at lyrics.
Aniya, patuloy pa rin naman siya sa paggawa ng kantang may social relevance pero kapag daw may mga natatapos siyang song na sa tingin niya ay medyo “delikado” sa kanya, ibinibigay na lamang niya ito sa ibang artists.
View this post on Instagram
Samantala, feeling honored and excited naman ang award-winning Pinoy rapper na mapabilang sa magiging mentor sa upcoming reality talent search na “Top Class: The Rise to P-Pop Stardom” mula sa Cornerstone Entertainment.
Pormal na ipinakilala si Shanti Dope bilang rap mentor ng “Top Class” kung saan makakasama nga niya si KZ Tandingan bilang vocal mentor.
Ang “Top Class: The Rise to P-Pop Stardom” ay handog ng Kumu, TV5, at Cornerstone Entertainment. Ang host ng show na ito ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Ayon kay Shanti, first time niyang magiging mentor sa mga nagnanais matuto ng pagkanta o pagra-rap, “Siyempre po sobrang honored and excited ako na mapabilang sa mga mentor sa top Class.
“First time ko rin kasi na maging isang judge sa isang show kaya oara sa akin, isang panibagong achievement ang na-unlock ko sa career ko rito,” chika ng sikat na rapper.
Aminado naman ang binata na feeling “estudyante” pa rin siya until now dahil tiyak na may mga matututunan din siya sa mga ime-mentor nilang contestants.
“Ako po mismo ay isa pa ring estudyante ng hiphop-rap music at ng music industry as a whole. I believe na marami rin po akong maise-share na mga makabagong technique, perspective, at approach pagdating sa coaching, mentoring at sa pagdya-judge,” aniya pa.
Paano niya pinaghahandaan ang bagong challenge na haharapin niya as rap mentor, “Sa ngayon nanonood ako ng mga talent show at contests online para ma-refresh ang knowledge ko sa kalakaran ng kung paano maging effective na judge-mentor.
“Kung paano maideliver nang mas maige ang gusto kong sabihin at mai-describe ko nang klaro ang gusto kong i-express,” sey ni Shanti.
View this post on Instagram
Ang “Top Class: The Rise to P-Pop Stardom” ang biggest P-Pop reality talent search competition sa bansa. Ang mga makapapasa sa audition ay magkakaroon ng pagkakataong makasama si Shanti Dope para magkaroon ng great learning sa itinuturing na isa sa magagaling na rapper ng bansa.
Tuloy pa rin ang auditions para sa “Top Class” hanggang April 20, 2022 kaya naman may dalawang linggo pa ang mga interesado na sumali para maging isa sa susunod na P-Pop icons.
Para sa edition na ito, tatanggap lamang ng lalaki sa “Top Class” na may edad 16-26. Ang full audition mechanics ay makikita sa social media pages ng “Top Class” at makikita nila ang ma kailangan nilang gawin sa Top Class Kumu Channel.
Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng bago at exciting na competition na ito ngayong 2022 na mula sa Kumu, TV5, at iba pang digital platforms. Very soon, ipakikilala naman ng Cornerstone ang napili nilang dance mentor.
https://bandera.inquirer.net/281366/amatz-ni-shanti-dope-umeksena-sa-the-falcon-and-the-winter-soldier-ng-marvel
https://bandera.inquirer.net/309543/kz-tandingan-super-lucky-kay-tj-monterde-may-asawa-na-may-driver-pa-minsan-naaawa-na-rin-ako-sa-kanya-kasi
https://bandera.inquirer.net/310440/ethel-booba-ingat-na-ingat-na-sa-pagpo-post-sa-socmed-kasi-pag-na-bash-ako-siguradong-damay-ang-anak-ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.