Banat ni Rita Avila sa nagsabing laos na ang mga artistang Kakampinks: Kayo na ang sikat, ako ay simpleng tao lamang…
PINATULAN ng veteran actress na si Rita Avila ang mga bashers na nagsabing “laos” na ang mga artistang nakikilahok sa campaign rally ni presidential candidate Leni Robredo.
Binasag ng aktres ang mga netizens na walang ginawa kundi ang tirahin at pagsalitaan ng masasama ang mga celebrities na proud Kakampinks.
Walang direktang binanggit si Rita sa kanyang social media post kung kaninong supporters ang mga nang-ookray sa mga Kakampink na celebrities pero base sa mga reaksyon ng netizens, karamihan sa mga ito ay mga loyalista ng isa pang presidential aspirant na si former Sen. Ferdinand Marcos.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Rita last Friday, April 8, ng mensahe para sa haters na tumitira sa mga celebrities na lantaran ang pagsuporta kay VP Leni.
“Lahat na lang ng kakampink na artista o singer ay sinabihan ng LAOS.
“Mas laos ang mga nagpa follow sa min o nagpupunta sa socmed account namin para mamintas lang. Kaya namin yan. Kasama sa trabaho namin yan eh,” simulang bwelta ni Rita sa mga anti-Leni.
Sey pa ng dating sexy actress, may karapatan din silang mga artista na ibandera ang kanilang political stand dahil Filipino rin sila, “Besides, sumusuporta kami bilang FILIPINO CITIZENS, para sa buhay nating lahat lalo na yung nasa laylayan.
“Wala ng arti-artista dito. Bilang TAO katulad nyo ay gusto din namin ng maayos na pamumuhay para sa LAHAT ng Pilipino. Kasama kayo.
“P.S. Kayo na ang SIKAT, ako ay simpleng tao lamang,” diin ni Rita.
View this post on Instagram
May isa pa siyang post sa IG kung saan ipinagdiinan niya na hindi lahat ng artista ay sinusukat ang sarili base sa kanilang kasikatan at estado sa lipunan.
“Yung mga nagbibintang ng LAOS, they measure us (actors/singers/performers) the way they think we have to be measured; but it is not always how we measure ourselves.
“Sorry pero hindi lahat ay hanap ang maging SIKAT. Kahinaan ng isang tao ang gusto laging maging MALAKI sa mata ng mga tao.
“FAME? Masarap na mahirap yan. May sakripisyong kasama yan. Pwedeng mawala ang tunay na pagkatao mo. Nakakalunod. Minsan, di naman ganun kasaya.
“Pero kung marunong kang umahon at i-salba ang true persona mo, panalo ka,” pahayag ng aktres.
Dugtong pa niya, “INSTANT GRATIFICATION? Ung dami ng fans? Lakas ng tili? Dami ng followers at likes sa socmed?
“Isama na natin ang INSTANT PERA na bayad para umattend kayo ng rallies o para iboto ang isang politiko? Parang ang SAYA ano?
“LUMILIPAS lahat yan. Sa huli, ang tunay na kaligayahan ay manggagaling sa kapayapaan ng kalooban dahil nakatuntong ka sa lupa, nagmamahal at minamahal, tumanda na napagbuti ang sarili sa mga pinagdaanan.”
“Magnilay mga kapatid at anak kong Pilipino. Sa eleksyong ito, hawak mo ang sarili mo. Ikaw ang maghuhubog kung ano ka na pagkatapos ng mga naging pagsubok sa iyo,” aniya pa gamit ang mga hashtag #election2022 #fame #sikat #instantgratification at #persona.
https://bandera.inquirer.net/304340/resbak-ni-rita-avila-sa-haters-ni-vp-leni-mas-magandang-nakaaangat-ang-kabutihan-kesa-sa-kasamaan
https://bandera.inquirer.net/303420/heart-nadine-lantaran-na-kung-sino-ang-susuportahan-sa-eleksyon-2022
https://bandera.inquirer.net/308121/xian-gaza-nag-react-sa-viral-post-ni-valentine-rosales-just-a-black-propaganda
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.