Itlog, kanin sa gera | Bandera

Itlog, kanin sa gera

Lito Bautista - September 20, 2013 - 03:00 AM

ANO ba talaga ang nangyayari sa Zamboanga City? Sa pamamagitan ng text, nagtatanong sa Bandera ang mga mambabasa. Ang ating isinagot ay kung ano lang ang pahayag ng Malacanang at militar. Ang bida ng Palasyo, unang araw pa lang ay nasalikupan na raw ng mga sundalo’t pulis ang MNLF na nagkampo sa maliit na lugar sa lungsod.

Pero, bakit tumagal ang bakbakan, halos maabo na ang dalawang barangay at mahigit 90,000 residente na ang lumikas at nasa iba’t ibang evacuation centers?

Nagalit sa Bandera ang ilang texter. Hindi raw natin sinasabi ang totoong nangyayari. Nang sabihin natin na iyan ang pahayag ng militar at nina Pangunong Aquino at Interior Secretary Mar Roxas, huwag daw tayong maniwala sa kanila. Nagalit sila dahil pagdating ni Aquino, namigay ito ng Gatorade, na donasyon ng Pepsi (at ipinagmalaki pa na hindi gumasta ang gobyerno); Enervon C, Vitamin B Complex at Ascorbic Acid, Globe Cell Cards, Smart Cell Cards, Sun Cell Cards, mga candy at chocolate at Growers Nutribar.

Kung nagalit ang mga residente sa Zamboanga City, nainsulto naman ang mga sundalo. Ipinadama ng mga sundalo ang kanilang pagka-inis.

Hindi sila nakangiti habang tinatanggap ang mga ito. Ito mismo ang nasa retrato na ipinadala ng Malacanang sa mga dyaryo.

Mismong mga mandirigmang Moro at tahimik na mga residente ay nagtaka kung bakit tumagal nang ganito ang bakbakan, habang naroon sina Aquino, Roxas at Dinky Soliman. Ang pinakamatinding banatan na naaalala ng matatanda ay ang naganap noong 1974 sa Jolo, sa pamamagitan ng mga Moro at puwersa ni Ferdinand Marcos. Sa loob ng limang gabi, brownout ang piling kalye sa Metro Manila. Idinadaan pala ang trak-trak na bangkay ng mga sundalo. Ang isang burulan sa Camp Aguinaldo ay may tatlong nakalagak na labi ng mga sundalo.

Nagalit si Fabian Ver sa isang biro na okey lang kung nalalagas ang mga sundalo dahil hindi pa raw mauubos ang mga Ilokano.

Ipinahanap ni Ver ang nagkagalt ng biro.

Pinagpipiyestahan ng mga dyaryo sa Metro Manila ang liderato sa Zamboanga City.

Inuulan sila ng batikos dahil hindi pala nila kaya ang ganitong krisis. Nganga. Ang isa sa kanila ay ayaw pang magpaliwanag sa COA hinggil sa kung saan napunta ang P23 milyon pork barrel.

Nilagang itlog at kanin lang pala ang pagkain ng mga sundalo sa tabi ng kalye, sa bangketa (ang itlopg ay donasyon pa ng mga may-ari ng tindahan na sarado dahil sa putukan).

Kapag ganito pala ang pagkain ay puwede nang sumabak sa gera sa maghapon. Puwede nang tumakbo at umatras sa mga kalye sa barangay Santa Barbara at Santa Catalina. Mas masustansiya pa pala ang ulam at kinakain ng mga guwardiya ng Bandera.

MULA sa bayan (i-text sa 0917-8446769): Wish ko pong matigil na ang bakbakan dito sa Zamboanga City para bumalik na sa normal ang lahat. Ako po si Maricar S. Iturralde, 33, ng Zambonga City.

Dito sa Barangay Baliwasan, Zamboanga City, nagtataka ang mga negosyante kung bakit hindi pa rin kaya ni Pangulong Aquino na patahimikin ang aming lungsod, gayung dito na siya nakatira.

Alam ng Southern Command na dumating ang mga MNLF. Bakit hindi sila naghinala? …8722

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tatlong sunud-sunod na gabi nang binabaha dito sa E. Rodriguez sa Quezon City. Walang silbi ang MMDA enforcers at ang Green Boys ni Bistek. Kawawang-kawawa na ang mga motorista. Hindi na inilalabas ng dyaryo ang kanilang reklamo dahil puro Zamboanga na lang. …9065

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending