Nadine sa viral 'lechon sauce' photo: Gutom na gutom na 'ko nu'n, tapos 'yung chicken na nabili walang sarsa | Bandera

Nadine sa viral ‘lechon sauce’ photo: Gutom na gutom na ‘ko nu’n, tapos ‘yung chicken na nabili walang sarsa

Ervin Santiago - April 07, 2022 - 07:58 AM

Nadine Lustre

“ALAM ko naman na kinukunan ako ng picture nu’ng time na yun,” ang pahayag ng award-winning actress-singer nang balikan ang kanyang viral “sawsawan” at “sarsa” photo sa social media.

Game na game na ibinahagi ng dalaga sa madlang pipol kung ano ba talaga ang kuwento sa likod ng pagbili niya ng sawsawan para sa lechon sa isang sari-sari store sa Siargao.

In fairness, talagang naging instant “meme queen” si Nadine nang kumalat ang nasabing litrato noong nakaraang taon at pinagtripan ng sandamakmak na netizens.

Sa mga hindi pa masyadong aware, ito yung litrato ng aktres na kuha sa isla ng Siargao sa Surigao del Norte, kung saan wala siyang makeup, suot ang kanyang bikini top, at bumibili ng sauce ng lechon sa isang tindahan.

Kasunod nga nito ang pagkalat ng napakaraming meme sa socmed na ginaya at kinopya pa ng mga netizens. At nang mag-viral nga ito, nag-tweet si Nadine at sinagot ang tanong ng bayan kung ano ang isasawsaw niya sa biniling sauce.

Sabi ng aktres, “Para di na kayo magisip… lechon manok yung ulam.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


Sa panayam naman ng “We Rise Together” last Monday, April 4, nagkuwento nga si Nadine about this, “Actually alam ko na kinukunan ako ng picture pero kasi ‘yung time na ‘yun, sobrang gutom na ‘ko, sobrang pagod, nag-surf kami. Tapos bumiyahe pa kami.

“So, alam mo ‘yung gutom na gutom ka, tapos gusto mong kumain, tapos ‘yung chicken na nabili mo walang sarsa. So sabi ko bili muna ako sa tindahan,” pahayag ng ex-dyowa ni James Reid.

Patuloy pa niyang chika, “Nakita ko na pinipiktyuran ako pero sabi ko na lang, bahala na, okay na ‘yan.”

Dugtong ng dalaga, “Personally I love memes, eh. Mas natuwa pa nga ako nang lumabas ‘yung photo na yon.”

Samantala, bukas, April 8, mapapanood na ang comeback movie ni Nadine na “Greed” sa Vivamax kung saan makakatambal niya sa unang pagkakataon si Diego Loyzaga.

Ito ay sa direksyon ni Yam Laranas at kasama rin ang award-winning actor na si Epy Quizon.

https://bandera.inquirer.net/297306/james-nadine-trending-sa-socmed-dahil-sa-lechon

https://bandera.inquirer.net/294928/jessy-umaming-may-attitude-nakatanggap-rin-ng-indecent-proposal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/285784/b-day-surprise-ni-kiray-para-sa-ina-bentang-benta-kabog-tong-lechon-money-pulling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending