Herlene kinampihan ng ilang netizens: Hindi naman niya nilapa ang nguso ni Alden! | Bandera

Herlene kinampihan ng ilang netizens: Hindi naman niya nilapa ang nguso ni Alden!

Alex Brosas |April 06,2022
facebook
share this

Herlene kinampihan ng ilang netizens: Hindi naman niya nilapa ang nguso ni Alden!

Alex Brosas - April 06, 2022 - 07:24 AM

Herlene Budol at Alden Richards

NA-BASH nang husto si Herlene Budol, more popularly known as Hipon Girl, nang halikan niya si Alden Richards.

Sa kanyang TikTok account ay na-bash ang social media personality dahil nagnakaw daw ito ng halik kay Alden.

With that, napilitang mag-sorry si Hipon Girl.

“Sorry po sa mga nailang para kay Alden nag-sorry po ako after at nag paalam din,” say niya.
Ang daming nag-react laban kay Hipon Girl.

“Ang problem kc is naka kiss na c harlene, balak pang mag kiss ulit. Para kasing pinagtripan na c Alden. E hindi naman yata sila close para maging ganun yung girl. Respeto lang din sa iba, kahit sa lalaki man. Kapag kc sa kanya gawin yun ng isang lalaki, harrassment na agad. Matuto din po tayong lumugar sa dapat nating kalagyan at huwag ding abusuhin ang mga pagkakataon na binibigay sa atin. Again, respeto sa kapwa,” say ng isang basher.
Marami naman ang nagtanggol sa dalaga.

“Umiral LNG yung magiging fan girl nya, dto LNG sa Pilipinas na big issue yun pag halik sa pisngi, hindi nman nya nilapa yung nguso ni Alden smack LNG sa pisngi ibang fans nga ganun din gnagawa.”

“Nashock lang si Alden hindi nmn ibig sbhin na ayw biglaan kasi yung pag halik nagulat sya kasi db nga may covid pa kaya di sya bsta bsta nag papahalik.”

“Ang big issue baka nakerid away lang si ma’am herlene sa gwapo ba naman ni alden lahat siguro ng makakalapit sa kanya talagang nananakaw ng halik.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


* * *

Super nag-enjoy ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda sa kanyang trip sa Villa Escudero kasama ang mga comedian-friends na sina Negi at Petite.

Sa kanyang latest YouTube video ay kitang-kita na sobrang na-enjoy ng tatlo ang kanilang recent trip na mayroon ng more than 700,000 views.

Sa first part ng video, makikita sina Vice, Negi at Petite habang tino-tour ang Villa Escudero papuntang water falls kung saan sila mag-aalmusal.

While in transit, nagbigay ng trivia si Vice about the place, sinabi niyang nagpunta roon ang 1994 Miss Universe candidates kung saan nanalo ang Miss India na si Sushmita Sen.

Marami ring pelikula ang na-shoot sa nasabing place.

Nang marating na nila ang falls ay nagkaroon ng game ang tatlo, nagbigay sila ng mga bagay na nahuhulog. Pinagtripan nina Vice Ganda at Negi si Petite na game na game naman sa lahat ng ipagawa sa kanya.

Sa bandang huli, isang sumptuous breakfast ang inihanda para sa “It’s Showtime” host and company.

https://bandera.inquirer.net/309320/basher-walang-awang-nilait-at-minaliit-si-herlene-budol-maganda-ka-sana-kaya-lang-bobita-ka

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/309917/herlene-budol-ninakawan-ng-halik-si-alden-netizens-umalma-sa-lahat-ng-nailang-nag-sorry-na-po-ako
https://bandera.inquirer.net/296601/herlene-budol-bawal-pang-makipag-kissing-scene-hindi-pa-ako-masyadong-marunong-mag-toothbrush

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending