Tatay ni Catriona maayos na ang kundisyon: My dad is the strongest person I know, my real life hero! | Bandera

Tatay ni Catriona maayos na ang kundisyon: My dad is the strongest person I know, my real life hero!

Ervin Santiago |April 05,2022
facebook
share this

Tatay ni Catriona maayos na ang kundisyon: My dad is the strongest person I know, my real life hero!

Ervin Santiago - April 05, 2022 - 05:08 PM

Catriona Gray at Ian Gray

MASAYANG ibinalita ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa madlang pipol na maayos na ang health condition ngayon ng kanyang ama.

Hindi binanggit ng Pinay beauty queen kung ano ang naging karamdaman ni Ginoong Ian Gray pero abot-langit ang pasasalamat niya na bumuti na ang kalagayan nito.

Kamakailan lamang ay lumipad patungong Australia si Catriona para dalawin at muling makasama ang kanyang ama matapos nga itong magkasakit.

Kahapon, April 4, nag-post ang girlfriend ni Sam Milby sa kanyang Instagram account ng litrato niya kung saan makikitang magkahawak-kamay pa sila ng ama.

Aniya sa caption, “Finally reunited with daddy.”

“I can’t even express how grateful I am to God, and my family and friends who were praying alongside my family and I these last two weeks.

“Prayer is so powerful – my family’s story is a testament to that.

“It was one of the scariest times, but we’re out of the woods now,” ang nakasaad pa sa caption ni Catriona.

Dagdag pa niya, “My dad is the strongest person I know, my real life hero. Love you papa.”

May isa pang post si Catriona sa kanyang Instagram Story kung saan nakasama naman niya ang inang si Mrs. sa paglalakad at pamamasyal sa beach.

Bago magtungo sa Australia, bumisita pa noong March 30 sa Singapore si Catriona para sa unveiling ng kanyang wax figure sa Madame Tussauds wax museum.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray)


Nagkaroon pa nga ng isyu sa nasabing event nang magparinig  ang shoe designer na si Jojo Bragais sa Pinay Miss Universe.

Mukhang may konek ito sa balitang hindi raw binanggit ni Catriona si Jojo nang magpasalamat ito sa mga taong tumulong sa kanya para ma-achieve ang winning iconic evening gown sa Miss Universe 2018 coronation night.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang reaksyon si Catriona hinggil sa kontrobersya.

Catriona Gray binalikan ang Miss Universe journey: Please, just never, ever give up

Sunshine nagpasalamat sa dating asawa: Nadapa ako at nagkamali, pero naging mabuti siyang tatay

Alwyn gagawin ang lahat para magkabalikan sila ni Jennica: Kahit ikamatay ko pa…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending