Kit kinompronta si Ana: Gusto mo ba talaga yung hinahawakan s*s* mo, hinahalikan buong katawan mo? | Bandera

Kit kinompronta si Ana: Gusto mo ba talaga yung hinahawakan s*s* mo, hinahalikan buong katawan mo?

Ervin Santiago |April 04,2022
facebook
share this

Kit kinompronta si Ana: Gusto mo ba talaga yung hinahawakan s*s* mo, hinahalikan buong katawan mo?

Ervin Santiago - April 04, 2022 - 10:13 AM

Ana Jalandoni at Kit Thompson

MARAMI pang pasabog ang kontrobersyal na sexy star na si Ana Jalandoni tungkol sa kakila-kilabot na karanasan niya sa piling ng kanyang boyfriend na si Kit Thompson.

Kahit nagdetalye na sa harap ng entertainment media kung paano siya sinaktan umano ng hunk actor nang magbakasyon sila sa Tagaytay City noong March 17 ay napakarami pa niyang pasabog na kuwento nang makapanayam ni Boy Abunda.

Sa Part 2 ng “The Ana Jalandoni Story,” na mapapanood sa The Interviewer ng The Boy Abunda Talk channel sa YouTube, muling binalikan ni Ana ang mga nangyari sa kanila ni Kit na nagdulot ng matinding bangungot sa kanyang buhay.

Kuwento ng dalaga, nang mangyari ang kanilang Tagaytay wellness spa date ay galing daw siya sa bakasyon habang kakatatapos lang ng lock-in taping ni Kit para sa Kapamilya series na “Flower of Evil.”

March 16 ay sa bahay na niya natulog si Kit at talagang pinag-usapan pa nila ang mga gagawin nila sa Tagaytay. Pero sabi nga ni Ana, parang may “premonisyon” nang may mangyayaring hindi maganda nu’ng araw na paalis na sila.

“On the way pa lang, hindi na kami okay. Like nu’ng nasa bed kami, hinahalikan ko na siya na, ‘Good morning, mahal. Ano na, 8 na, coffee muna tayo on the way there. Starbucks tayo para maganda yung view.’

“Sabi niya, ‘Ano ba!’ Ganu’n talaga. Nilalambing ko siya. ‘Ano ba, puwedeng magpahinga, puwedeng matulog? Ngayon lang ako makakatulog nang maayos!’

“Ako, parang na-shock ako na, ‘Ha, okay sige, pahinga ka.’ Baba ako. Pagbukas ko ng pinto, ‘Saan ka pupunta?’ ‘Kukuha ako ng kape, magkakape ako,’” simulang pagkukuwento ng dalaga.

Pero ilang sandali lamang ang lumipas bumaba na rin si Kit at nanghingi rin ng kape, “Sabi niya, ‘Asan kape ko?’ ‘Ah, gagawan kita ng kape, wait lang. Pero, di ba, sabi mo, matutulog ka? Gusto mo magpahinga?’

“’Wala na, nagising na ako, e. Ginising mo ako, e,’” iritableng sagot daw ng aktor.

At nang nasa kotse na raw sila patungong Tagaytay, may kinausap muna si Ana sa kanyang restaurant at production company. Kasunod nito, tinawagan din niya ang kanyang handler tungkol sa pelikulang gagawin niya kasama sina Aljur Abrenica at Jelai Andres.

Dito na nga nagsimulang magtanong si Kit. Pagkababa niya ng telepono tanong sa kanya ng binata, “Ano ‘yan? Iyan ba yung project na sinabi mo sa akin?”

“Oo, di ba, ito yung sinabi ko sa ‘yo bago ako umalis?” sagot daw niya.

Sumunod na tanong ni Kit, “So, anong kuwento niyan?” ipinaliwanag ni Ana na sexy-thriller ang movie at katulad ng ibang naging pelikula niya ay meron din siyang mga bed scenes.

Reaksyon daw ni Kit, “So, ano? Papalamas ka na naman ng suso?” Nagulat daw siya sa sinabi ng aktor pero hindi na raw siya sumagot.

Sabi pa raw ni Kit, “Gusto mo ba talaga yung ginaganyan ka? Mga lalaki, hinahawakan suso mo, hinahalikan ka, buong katawan mo?” sabay hinawakan siya ni Kit sa katawan.

Napamura raw siya talaga at nag-dialogue ng, “Yung kamay niya, ginanu’n niya. Sabi ko, ‘Teka muna, p*t*ng*na, huwag mo akong bastusin.’ Napamura talaga ako.

“’Huwag mo akong bastusin, kausapin mo ako nang maayos. Huwag mo akong murahin, huwag mo akong bastusin. Kung may problema ka sa trabaho ko, kausapin mo ako. Kausapin mo ako nang maayos,’” sabi pa niya kay Kit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ana Jalandoni (@realanajalandoni)


Paliwanag pa raw niya sa aktor, “Kit, trabaho natin ito. Walang malisya sa akin yung mga ganu’n. Nagpo-frontal ba ako? Di ba, hindi? May limit lang yung pagpapa-sexy ko at alam mo ‘yan, Kit.”

“Sabi niya, ‘Hindi, e. Parang gusto mo, gusto mo ba?’ Ginaganu’n niya ako. Sabi ko, ‘Gago ka ba? Anong gusto? Meron bang babaeng gustong maghawak-hawak ng ganu’n? Siyempre hindi pero it’s part of my job, trabaho ‘yan, e,’” esplika pa niya.

Sabi ni Kit, siya raw kasi ay hindi na tumatanggap ng sexy movies nang magka-girlfriend siya dahil ayaw niyang magkaroon sila ng isyu.

Ayon naman kay Ana, “Aba, thank you. Pero tinanong mo ba, sinabi ko sa ‘yo na ‘Kit, bawal ka magganyan, ha. Kit, bawal ganyan-ganyan.’

“Kit, wala kang narinig sa aking ganu’n. Sa akin, trabaho, trabaho. Trabaho mo ‘yan, irespeto ko ‘yan,” aniya pa.

Sinabi raw ni Ana kay Kit na kakausapin niya ang direktor ng movie na hindi na siya puwedeng magpa-sexy sa pelikula na siyang nagpakalma sa binata. Nag-apologize rin daw si Kit sa kanya.

Sey ni Kit, “Siyempre, gusto kong mabago na, alam ko naman na sexy yung image mo, alam kong ganyan mga role mo. Pero gusto ko, parang maging action star ka, gusto ko magkaroon ka ng series na iba.”

Tugon ni Ana, “Kit, ako rin naman gusto ko yun, gusto ko rin yun. Pangarap ko nga maging action star, idol ko nga si Angel Locsin, e. E, ito yung may trabaho, e, di grab ko. Kasi wala akong work, sayang. Wala naman yun sa akin, e. It’s part of the job lang naman, trabaho lang ‘yan.”

Naging masaya naman daw sila after ng kanilang confrontation scene sa kotse, “Ang happy namin, sobrang happy kami.

“Ito na, jacuzzi na, Taal view, yakapan kami diyan, anuhan kami diyan, kiss-kiss kami, usap-usap, kuwentuhan. Suddenly, sabi niya, ‘Akala ko ba nag-unfollow ka na sa Instagram?’

“Social media naman. Tinira niya yung social media ko. Sabi ko, ‘Ano yun?’ ‘Akala ko ba in-unfollow mo na yung mga nanliligaw sa ‘yo noon?’ Sabi ko, ‘Sinabi ko bang ia-unfollow ko?’” pagpapatuloy ni Ana.

Aniya pa, “Oo, nagbabawas ako pero wala akong sinabi sa ‘yo, hindi ako nag-mention sa ‘yo ng kahit anong pangalan. Nagbabawas lang ako kasi mga hindi ko na nakakausap or wala na, wala kaming conversation, hindi na kami nagkikita.”

Hirit sa kanya ni Kit, “So, bakit nila-like mo pa rin yung picture niya?”

Paliwanag ni Ana, wala raw siyang kinausap na kahit sinuman sa mga nanligaw sa kanya. Sabi raw sa kanya ni Kit, “Hindi e, parang nagpapakita ka pang may pag-asa pa sila sa ‘yo.”

At para matapos na, in-unfollow na raw ni Ana ang mga ito sa Instagram, “Ini-ignore ko yung negativity kasi gusto ko happy kami. So, in-unfollow ko. Happy na naman kami, sa jacuzzi ito.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagkatapos ng kanilang spa session ay tumuloy na sina Ana at Kit sa hotel kung saan na nga nangyari ang umano’y pambubugbog at pananakot ng aktor sa dalaga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Kit hinggil sa kasong kinasasangkutan niya. Bukas ang BANDERA para sa kanyang paliwanag.

Ana Jalandoni mahal pa rin daw si Kit Thompson, pero mapatawad pa kaya ang nakakulong na dyowa?

Ana Jalandoni nang minsang magkaasaran sila ni Kit Thompson: May hawak siyang kutsilyo tapos nilagay niya sa leeg ko…

Kit Thompson sinupalpal si Xian Gaza: Stop spreading misinformation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending