Ana Jalandoni nang minsang magkaasaran sila ni Kit Thompson: May hawak siyang kutsilyo tapos nilagay niya sa leeg ko... | Bandera

Ana Jalandoni nang minsang magkaasaran sila ni Kit Thompson: May hawak siyang kutsilyo tapos nilagay niya sa leeg ko…

Ervin Santiago |April 03,2022
facebook
share this

Ana Jalandoni nang minsang magkaasaran sila ni Kit Thompson: May hawak siyang kutsilyo tapos nilagay niya sa leeg ko…

Ervin Santiago - April 03, 2022 - 04:51 PM

Kit Thompson at Ana Jalandoni

NAGDETALYE ang sexy star na si Ana Jalandoni tungkol sa tatlong insidente kung saan nakaranas siya ng matinding takot dulot ng mabilis na pag-init ng ulo ng boyfriend niyang si Kit Thompson.

Kuwento ng dalaga, hindi ang pambubugbog ng hunk actor sa kanya sa isang hotel sa Tagaytay City ang unang beses na sinaktan at pinagbuhatan siya umano ng kamay ni Kit.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Ana, naikuwento niya ang unang pagkakataon na nagalit ang binata noong papunta sila lugar nila sa Pampanga. Nagbibiruan daw sila noon tungkol sa kanilang mga ex.

“Papunta kami ng Pampanga tapos naglolokohan kami about ex. Nabanggit ko na yung ex ko is from Nueva Ecija. So sabi ko, ‘Oh sige na, ihatid mo ako sa Nueva Ecija.’ Nagalit siya sa akin.

“Doon ko nakita na may pagka-agresibo siya na isang iglap, kapag hindi niya nagustuhan yung sinabi mo, nagagalit siya nang mabilis.

“Ako naman, hindi ko inisip na galit siya. Kasi nagdyo-joke kami, tapos nu’ng pinaulit niya sa akin, sabi ko ‘Ihatid mo ako sa Nueva Ecija.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ana Jalandoni (@realanajalandoni)


“Sabi niya, ‘Ah gusto mong bumalik doon?’ Nag-iba na yung look niya. Nagagalit na siya. Dire-diretso siyang magsalita nang masasakit. Umiiyak na ako,” kuwento ni Ana sa panayam ni Boy Abunda. Nag-sorry naman daw si Kit sa kanya.

Ang ikalawang insidente raw ay nangyari sa bahay niya mismo nang tanungin siya ni Kit kung sinu-sino sa mga kaibigan niya ang type ng dalaga.

“Nagbibiruan ulit kami na ‘Ikaw sinong type mo sa mga kaibigan ko?’ Sabi ko, ‘Wala, siyempre ikaw lang.’ Tapos biglang sinabi ko sa kanya, ‘Alam mo yung kaibigan mong yun, yung may gusto sa akin, kung hindi lang kita boyfriend, ide-date ko yun.’ For me, it was a joke. Nagagalit na naman siya.

“As in nagtatawanan kami nu’ng moment na yun, ha. May hawak siyang knife that moment kasi may ginagawa siya sa CR ko eh, parang yung bidet. Nilagay niya yung kutsilyo sa leeg ko. ‘Anong sabi mo?’” kuwento pa niya.

Natakot daw siya nang todo kay Kit kaya nagkulong siya sa kwarto, “Hindi kami nagpapansinan. Umakyat ako ng room, umiiyak ako kasi natakot ako eh. Umakyat siya. Sabi niya, ‘Anong problema?’

“Sabi ko, ‘Kit umuwi ka muna. Tawagan na lang kita kapag okay na ako. Ano yung ginawa mo kanina?’ Sabi niya, ‘Sorry,'” sabi pa ng aktres.

At tulad nu’ng una, nag-sorry uli si Kit kay Ana at nagmakaawang huwag na huwag siyang iwan. Nagkaayos sila uli at ipinagpatuloy ang kanilang relasyon.

Noong February, 2022 naman nang magtungo sila sila Palawan para sa birthday ni Kit, “Pagod kami the whole day, nag-activity kami sa beach.

“Pagpasok namin sa room, dumiretso siya sa toilet to shower. Ako, nasa bed ako. Siyempre pagod ako, napaidlip ako. Pagkatapos niya maligo, sinampal niya ako nang gising.

“Sabi niya, ‘Tutulugan mo lang ako? Birthday ko, nandito tayo sa Palawan, tutulugan mo lang ako?’ Ako naman, ‘Bakit mo ako sinampal? Pagod ako, nakaidlip lang ako,'” aniya pa.

“Actually, sinabi na niya ‘yun sa akin dati pa. Kaya hindi siya masyado umiinom kasi kapag nakainom, iba yung mood niya,” dagdag pa ni Ana.

Sa tanong kung bakit hinayaan pa rin niyang mangyari ito sa kabila ng ilang beses na pananakot sa kanya ng karelasyon, “Mahal ko Tito Boy eh. And tina-try ko siyang tulungan, not to fix him pero gusto ko ipaintindi sa kanya.

“I know na may tiwala siya sa akin na wala akong sasabihing masama sa kanya. Papangaralan ko siya, ‘Kit, huwag ganyan. Kit tigilan mo iyan,’” aniya pa.

Pero hindi hindi nga nangyari ang inaasahang pagbabago ni Ana sa ugali ng aktor dahil sa huling ginawa sa kanya nang muli itong malasing sa pagbabakasyon nila sa Tagaytay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dahil dito, sinampahan na nga ng kampo ni Ana ng kaukulang kaso si Kit. Wala pang official statement ang aktor tungkol sa demandang kinakaharap niya ngayon.

Ana Jalandoni mahal pa rin daw si Kit Thompson, pero mapatawad pa kaya ang nakakulong na dyowa?

Kit pinagbantaan daw ang buhay ni Ana: Sabi niya, ‘Akin ka lang! Hindi ka pwedeng mapunta sa iba, akin ka lang!’

Love story nina Kit Thompson at Ana Jalandoni nagsimula sa Instagram

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending