Kit Thompson sinupalpal si Xian Gaza: Stop spreading misinformation | Bandera

Kit Thompson sinupalpal si Xian Gaza: Stop spreading misinformation

Therese Arceo |March 30,2022
facebook
share this

Kit Thompson sinupalpal si Xian Gaza: Stop spreading misinformation

Therese Arceo - March 30, 2022 - 05:13 PM

Kit Thompson sinupalpal si Xian Gaza: Stop spreading misinformation

NAG-REACT ang kontrobersyal na aktor na si Kit Thompson sa isa sa mga Facebook posts ng “Pambansang Marites na Lalaki” na si Xian Gaza.

Kahapon, March 29 nang maglabas ng saloobin si Kit sa pa-blind item ni Xian noong March 19, isang araw matapos lumabas ang balita ng kanyang pananakit sa kanyang showbiz dyowa na si Ana Jalandoni.

“Stop spreading misinformation,” maikling saad ni Kit kalakip ang post ni Xian.

 

 

Ayon kasi sa ipinost ni Xian, may isang babae raw ang pumunta sa Amanpulo kasama ang isang Chinese guy kapalit ng P250,000 pero nahuli daw ito ng kanyang boyfriend.

Marami sa mga netizens ang nag-conclude na may kinalaman ang naturang blind item sa nangyaring pananakit ni Kit kay Ana sa isang hotel sa Tagaytay.

Matatandaang na-detain noon si Kit matapos siyang dalhin sa presinto para kwestiyunin patungkol sa nangyari sa kanilang magkasintahan.

Sa ngayon ay nakalaya na ang aktor matapos itong mag-bail ng P72,000 noong Lunes, March 21.

Samantala, humarap naman si Ana sa mga press sa unang pagkakataon matapos ang nangyaring pambubugbog sa kanya.

Halata pa rin sa mukha ng dalaga ang black eye at naiiyak pa rin ito habang nagkukwento patungkol sa kanila ng kasintahang si Kit.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kit Thompson (@kitthompson)

Aniya, hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang binata dahil hindi naman nawawala agad ‘yun ngunit nais niyang pagbayaran ng aktor ang ginawa nito sa kanya.

“Mahal ko pa rin siya, hindi naman po ‘yun ganun kadali mawala. Pero siyempre hindi ko deserve yung nangyari sa akin. Importante po sa akin is ipaglaban ko yung karapatan ko bilang babae,” ani Ana, na nagsabi rin na batid niya ang tungkol sa anger management issue ang kasintahan.

Inamin rin nito na aware siya na may anger management issues si Kit pero hindi niya inaakala na aabot sila sa ganito.

Nilinaw rin niya na walang “third party” involved sa nangyari sa kanila ni Kit.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang aktor patungkol sa pangyayari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ni Kit hinggil sa kinasasangkutang kontrobersiya.

Related Chika:
Kit Thompson pinagmumura ng netizens; Ana Jalandoni pinayuhang huwag patatawarin ang dyowa

Kit Thompson balak nang pakasalan si Ana Jalandoni: Mahal na mahal niya yung girl, pero…

Ana Jalandoni naididilat na ang mata matapos mabugbog; binura na ang mga litrato ni Kit sa IG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending