Pagkamatay ni Keith Martin walang foul play; inatake sa puso sa loob ng condo unit | Bandera

Pagkamatay ni Keith Martin walang foul play; inatake sa puso sa loob ng condo unit

Ervin Santiago - March 30, 2022 - 11:35 AM

Keith Martin

WALANG foul play na naganap sa pagkamatay ng American singer-songwriter na si Keith Martin sa edad na 57.

Heart attack o atake sa puso ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw base na rin sa masusing imbestigasyon na isinagawa ng mga otoridad.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN. Remus Medina at base na rin sa Death Certificate ni Martin, acute myocardial infarction na dulot ng atherosclerotic coronary artery disease o bara sa ugat ng puso ang ikinamatay ni Keith Martin.

Base sa report ng pulisya, natagpuang patay ang international singer at composer sa loob ng kanyang unit sa Lafayette Condominium, Brgy. Bagumbayan, Quezon City nitong nagdaang Biyernes, March 25.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Keith Martin (@keithmartinmusic)


Huling nakitang buhay si Keith na nagpasikat sa kantang “Because of You” noong March 20, 9 a.m., ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU).

Ayon sa isang maintenance personnel ng Lafayette Condominium, nakita pa niya noong araw na yun si Keith dahil inayos niya ang water leak sa unit nito.

Noong March 25 naman, bandang 10:46 a.m. naamoy naman ng kapitbahay ng singer ang  masangsang na amoy na nanggagaling sa condo unit nito.

Agad nila itong isinumbong sa manager ng condo na si Christine Lleno na siyang nag-check sa unit ni Keith. Walang nagbubukas ng pinto nang katukin nila ito kaya pwersahan na nila itong binuksan.

At dito na nga tumambad ang nakahandusay na katawan ni Keith at wala nang buhay.

Samantala, nagbigay na rin ng pahayag last March 25, ang dating live-in partner ni Keith na si Diana Dayao sa CIDU tungkol sa pagkamatay ng singer.

Ani Dayao, binisita pa ni Keith ang anak nila noong Feb. 21 at noong March 12 ay idinadaing nito ang pananakit ng tiyan at hindi masyadong maganda ang pakiramdam.

Samantala, ipinaalam na rin sa embahada ng Amerika dito sa Manila ang nangyari kay Keith.

https://bandera.inquirer.net/309126/because-of-you-singer-keith-martin-natagpuang-patay-sa-tinitirhang-condo

https://bandera.inquirer.net/308431/kit-thompson-pansamantalang-nakakulong-dahil-sa-diumanoy-pananakit-kay-ana-jalandoni-gabriela-nagbigay-suporta-sa-aktres

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/295020/willie-pinatunayang-hindi-gahaman-at-uhaw-sa-kapangyarihan-will-to-play-may-bonggang-pasabog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending