Angelica ibinandera ang lumolobong baby bump; super excited nang maging mommy Bandera

Angelica ibinandera ang lumolobong baby bump; super excited nang maging mommy

Ervin Santiago |March 29,2022
share this

Angelica ibinandera ang lumolobong baby bump; super excited nang maging mommy

Ervin Santiago - March 29, 2022 - 03:18 PM
Angelica Panganiban ibinandera ang lumolobong baby bump

Angelica Panganiban at Gregg Homan

IBINANDERA ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang kanyang baby bump sa madlang pipol mahigit isang linggo matapos ang ginawa nilang baby reveal ni Gregg Homan.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories, proud na ipinakita ni Angelica ang lumalaki na niyang tiyan sa kanyang mga supporters and social media followers.

Sa ipinost niyang mirror selfie, makikita ang aktres suot ang kanyang black maternity dress kasama ang tatay ng kanyang magiging anak.

In fairness, mas malaki na ang umbok ng tiyan ni Angelica ngayon kung ikukumpara sa unang litrato na ipinost niya sa IG na kuha sa isang beach resort. Ito yung nakalubog sila ni Gregg sa napakalinaw na dagat.

Bumuhos muli ang mga positibong comments at pagbati mula sa mga netizens para sa pagbubuntis ni Angelica at halos lahat ay excited nang masilayan ang magiging baby nila ni Gregg.

Nitong nagdaang March 20, in-announce nga nina Angelica at Gregg na magiging mommy at daddy na sila. Tuwang-tuwa ang aktres dahil napatunayan na niyang babae siya at may matres.

“Sa wakas! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay, at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.”

“Opo, may matres ako mga baklaaah!”

“Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin,” sey pa ni Angelica.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Mahigit isang taon nang magkarelasyon sina Angge at Gregg at sa darating na July ay ise-celebrate na nila ang kanilang second anniversary bilang magdyowa.

Sa birthday greeting ni Angelica para kay Gregg last year (September), ipinagsigawan niya sa buong universe ang kanyang pagmamahal sa kanyang boyfriend, “Sa hindi inaakalang pagkakataon, ngunit tinakda ng panahon, nakilala ko ang isang tao na nagbigay kasagutan sa lahat ng bakit ko noon.

“Maligayang bati sa ’yong kaarawan mahal ko. Araw araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin,” pangako pa niya kay Gregg.

Wish naman ng mga “Marites”, sana raw ay si Gregg na ang forever ni Angelica matapos ngang mabigo ng ilang beses sa larangan ng pag-ibig. Ilan sa mga naging dyowa ng aktres sa showbiz ay sina Derek Ramsay, John Lloyd Cruz at Carlo Aquino.

Angelica: Magiging ganap na ina na po ako…opo, may matres ako mga baklaaah!

Lovelife hugot ni Angelica: Ayokong masakal at makulong dahil lang nagmahal ako

B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending