Bea handa nang magpakasal kay Dominic: Kung magpo-propose siya, siyempre magye-yes ako! | Bandera

Bea handa nang magpakasal kay Dominic: Kung magpo-propose siya, siyempre magye-yes ako!

Ervin Santiago |March 26,2022
facebook
share this

Bea handa nang magpakasal kay Dominic: Kung magpo-propose siya, siyempre magye-yes ako!

Ervin Santiago - March 26, 2022 - 10:45 AM
Bea handa nang magpakasal kay Dominic: Kung magpo-propose siya, siyempre magye-yes ako!

ANG ganda-ganda at ang sexy-sexy ngayon ng Kapuso actress at vlogger na si Bea Alonzo na first time humarap nang face-to-face sa entertainment press.

Kitang-kita sa aura ni Bea na talagang maligayang-maligaya siya ngayon sa kanyang personal na buhay lalo na sa kanyang lovelife, pati na rin sa showbiz career.

Tuwang-tuwa ang dalaga nang muling makita at machikahan ang media sa muli niyang pagpirma ng contract bilang ambassador ng Beautederm Corporation kasama ang President at CEO na si Rhea Anicoche Tan.

In fairness, game na game niyang sinagot ang maiintrigang tanong ng press kabilang na ang tungkol sa relasyon nila ng kanyang dyowang si Dominic Roque.

Nagkuwento si Bea sa nangyaring reunion nila ng mga BFF niyang sina Angelica Panganiban, Anne Curtis, Angel Locsin at Dimples Romana na first din niyang nakita after almost three years mula nang magkapandemya.

Sa kanilang grupo, siya na lang at si Angelica ang walang pamilya pero inaasahan anytime soon ay baka papunta na nga rin sa pag-aasawa ang kaibigan dahil buntis ito ngayon sa first baby.

Kaya naman ang tanong sa kanya ay kung hindi ba siya nape-pressure na siya na lang ang hindi nagse-settle down among her friends.

“Ako, masasabi ko siyempre, I’m very, very happy for my friends, lalo na si Angge. Alam ko talaga na ‘yun talaga ang matagal na niyang gusto talaga, na magkaroon ng baby, so I’m very, very happy for her.

“Pero siyempre, may kanya-kanya tayong timeline. Hindi ako mape-pressure because all of my friends are married or gonna get married or having babies.

“Sa totoo lang, kung na-pressure ako, parang dapat 5 years or 4 years ago kasi ‘yung mga kaibigan from high school, mga nagsipag-asawa na saka mga nagsipag-anak na.

“So, ‘yun nga, parang kanya-kanya tayo ng ano, eh, kanya-kanya tao ng kumpas sa buhay, kanya-kanya tayo ng struggles, kanya-kanya tayo ng blessings and I refuse to be compared to these wonderful women kasi kanya-kanya tayo ng strength and weaknesses,” dire-diretsong sabi ni Bea.

Sundot na tanong sa aktres, paano kung bigla na lang siyang sorpresahin ni Dominic at yayain na siyang magpakasal, natawa muna si si Bea bago sumagot.

“Oh my God! Oo, nga. Siyempre naman, I mean, hindi naman ako nandito sa relasyon para lang maglaro, di ba? Alam naman natin na siyempre, at my age, I want that also.

“Pero sa bagay na ‘yan, siyempre I can’t speak for him, and alam naman niya na marami rin akong gagawin, alam naman niya kung ano ‘yung mga priorities ko sa ngayon.

“Pero kung sakaling magpo-propose siya, siyemre, o-oo ako,” ani Bea at nagsigawan na nga ang press.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

“Pero siyempre, I’ll cross the bridge when I get there,” chika ni Bea.

Samantala, hindi napigilan ni Ms. Rhea ang magpaka-fangirl nang ipakilala na si Bea bilang karagdagang celebrity endorser ng kanyang beauty empire.

In fact, hanggang ngayon ay “Basha” pa rin ang tawag niya sa aktres, ang karakter niya sa 2002 blockbuster movie na “One More Chance” kasama si John Lloyd Cruz.

Sa ngayon, si Bea na ang 76th celebrity endorser ng kompanya ni Miss Rhea at super happy siya na finally ay natupad na ang pangarap niyang maging part ng kanyang pamilya ang dalaga.
Ang mga bagong produkto ng Beautederm na Reiko Slimaxine at Reiko Fitox na pawang mga all-natural supplements.

“Ito ang unang-una kong presscon after two years na face to face and I’m so happy to see all of your faces today,” ani Bea.

Ayon sa aktres, sobrang na-happy siya na maging part ng Beautederm family at gustong-gusto pa niya ang produktong kanyang ine-endorso bilang napaka-health conscious din niya.

Napaka-special nga raw sa kanya ng Beautederm dahil ito raw ang unang-unang endorsement niya sa panahon ng pandemya at sobrang thankful niya kay Miss Rhea na nagtiwala sa kanya.

Para naman kay Rhea, si Bea ang best ambassador para sa mga bago niyang produkto, “Inspirasyon si Bea dahil she always see to it that she takes care of herself kahit na very hectic ang schedule niya.

“Focused at humble si Bea at alam niya ang kanyang mga priodidad. Masaya ako dahil sinisiguro ni Bea na nananatili siyang malusog dahil for the past two years, natutunan natin ang value ng good health,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Payo ni Bea Alonzo sa lahat ng may pinagdaraanan: Just have faith!
Bea Alonzo dinepensahan ni Cristy sa bashers: Hindi po siya naghubo’t hubad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending