Madam Inutz labis ang pasasalamat dahil unti-unti nang gumagaling ang ina | Bandera

Madam Inutz labis ang pasasalamat dahil unti-unti nang gumagaling ang ina

Therese Arceo |March 23,2022
facebook
share this

Madam Inutz labis ang pasasalamat dahil unti-unti nang gumagaling ang ina

Therese Arceo - March 23, 2022 - 08:21 PM

Madam Inutz labis ang pasasalamat dahil unti-unti nang gumagaling ang ina
MASAYANG-MASAYA ang social media influencer, online seller, vlogger, at dating “PBB” celebrity housemate na si Madam Inutz dahil sa laki ng improvement ng kalagayan ng kanyang ina.

Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi ng Mama-bentang online seller ang naging therapy session ng ina para muling makalakad.

“Na-stroke kasi siya mga 2016 tapos napa-therapy ko lang siya ng dalawang buwan kasi nga hindi na kaya ng budget namin,” saad ni Madam Inutz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Tolentino (@sirwil75)


Makikita naman sa video na talagang super saya ng kanyang ina habang isinasagawa ang kanyang therapy.

Dagdag pa ni Madam Inutz, mismong ang ina na raw ang talagang nagpupursige tuwing therapy dahil gustong gusto na rin nitong makakilos nang maayos.

Makikita rin sa video na unti-unti na ngang naigagalaw ang kanyang ina ang mga kamay at paa nito pero tuloy-tuloy pa rin ang therapy nito para sa tuluyan nitong paggaling.

Labis ang pasasalamat ni Madam Inutz sa kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino na siyang nagbigay sa kanya ng pera para maipagamot ang kanyang ina.

“Itong nakaraan na bago ako makilala is dumating sa akin si Sir Wil. Binigyan niya ng pera si Nanay ng therapy,” pagbabahagi ni Madam Inutz.

Sa ngayon ay ang perang kinikita niya ay ginagamit niya sa pagpaptuloy ng therapy ng ina para sa paggaling nito.

Naranasan na kasi nilang ihinto ang therapy noon dahil madalas silang kapusin sa pera pero ngayon nga na patuloy ang blessing na dumarating kay Madam Inutz ay iraraos na nila ang ina para muli itong makapamuhay ng komportable.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kylie may ginamit na ‘therapy’ para maka-move on agad kay Aljur; Kyle Velino sinuwerte sa ‘Gameboys’
MMK naging therapy para kay Kim Molina: Ang daming tinik na nabunot
Madam Inutz pinayagang mag-live kahit nasa PBB House para makatulong sa pamilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending