Kris gagawin lahat para gumaling; bumisita muna sa Tarlac bago tuluyang umalis ng Pinas | Bandera

Kris gagawin lahat para gumaling; bumisita muna sa Tarlac bago tuluyang umalis ng Pinas

Reggee Bonoan - March 23, 2022 - 07:51 PM

Kris Aquino, Joshua at Bimby bumisita sa Tarlac

Kris Aquino, Joshua at Bimby

BAGO lumipad patungong Amerika si Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby ay dumalaw mula sila sa Tarlac kung saan nanilbihan ang ama at dating senador na si Ninoy Aquino (bilang mayor) at kuya niyang si ex-President Noynoy Aquino (bilang kongresista).

Ang ganda ng larawang ipinost ni Kris sa kanyang Instagram na magkakasama silang mag-iina at puro pink ang suot na damit.

Ang caption niya ay, “Surprise! Sa probinsya kung saan nagsimulang manilbihan sa ang dad (mayor ng Concepcion, Vice Governor and Governor) at ang kuya ko, – Noy served 3 straight terms (1998-2007) as Congressman ng 2nd district of Tarlac… the district where Alto (our family compound) is located, definitely kuya Josh’s HAPPY PLACE.”

Binanggit din niyang tuturukan ulit siya ng Xolair sa Linggo at kapag okay pa rin ang resulta ay aalis na sila in few days at matatagalan silang mawawala sa bansa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Aniya, “Maraming ninerbyos pero tinanggap na lang na hindi talaga ako magpapagili (pigil). Paalis na po kasi, isa pang XOLAIR sa Sunday, a few days of monitoring tapos lilipad na.

“Matagal pong nasa ibang bansa para magpatingin, sumailalim sa marami pang tests, magpa- treatment at kung kailangan magpa- treatment, kahit invasive- ready.

“Diba nga kung gusto gagawan ng lahat ng posibleng paraan?

“Maraming salamat Tarlac. Hindi kayo nang iwan, hindi nyo kami kinalimutan,” sabi pa ng TV host at aktres.

Pawang pink heart naman ang mga nakita naming reaksyon ng followers ni Kris at makalipas lamang ang 20 minuto matapos mag-post si Kris ay mahigit 16,000 na ang nakuha nitong likes.

https://bandera.inquirer.net/305201/kris-pinatawad-na-si-mel-sarmiento-muling-nag-sorry-kay-p-noy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/296911/vp-leni-natuwa-sa-pagbisita-sa-tarlac-pnoy-may-be-gone-now-but-josh-being-there-really-meant-a-lot
https://bandera.inquirer.net/306305/tarlac-1st-district-rep-charlie-cojuangco-pumanaw-na-sa-edad-58

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending