Dagul umaasa na lang sa wheelchair: Hindi ako nakakalakad, binubuhat na lang ako ng anak ko
SA kabila ng kanyang kundisyon at iba’t ibang hamon na kinakaharap niya sa araw-araw, tuloy pa rin ang paglaban sa buhay ng komedyanteng si Dagul.
Hindi na aktibo sa showbiz si Dagul at kasalukuyang suma-sideline sa pagtatrabaho sa barangay hall at meron ding maliit na sari-sari store ang kanyang pamilya.
Nakapanayam ni Ogie Diaz si Dagul sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog, at dito nga siya nagkuwento ng ilang kaganapan sa kanyang personal life matapos ngang mawala ang Kapamilya kiddie gag show na “Goin’ Bulilit.”
Pag-amin ni Dagul o Romeo Pastrana sa totoong buhay, “Sa ngayon medyo mahirap kasi nga iba ‘yung sa showbiz ka, iba ‘yung nagtatrabaho ka.
“Kasi kapag empleyado ka ganu’n lang talaga kinikita mo at tsaka hindi naman ganun kalaki kasi sa barangay ang ibinibigay honoraria lang,” aniya pa na nagtatrabaho nga bilang head ng command center ng kanilang barangay.
Nabanggit din niya na medyo hirap na siya sa kanyang kundisyon ngayon, “Kapag tumayo ako hindi ako tumatagal, hindi ako makakalakad, nakaupo lang. Binubuhat ako ng anak ko para pumasok sa opisina namin.”
Dugtong pa niya, “Kapag wala akong trabaho sa Sabado, Linggo, dito ako sa bahay. May maliit kami na tindahan ako ‘yung nagbabantay kasi nga si misis busy sa trabaho dito sa bahay kaya ako muna ang nagbabantay sa tindahan namin.”
Naging emosyonal naman si Dagul nang magkuwento tungkol sa mga hinaharap na pagsubok, “’Yung nasa isip ko ba’t ganu’n ‘yung nangyari sa akin? Hindi ko na kayang maglakad mahina na ang tuhod ko. Samantalang dati ang liksi ko. Iniisip ko nga eh, ba’t ganu’n, ano ang nangyari?”
“Umalis kami noon nakakalakad ako, kasama ko anak ko, si misis. Ngayon naka-wheelchair lang ako kasi hindi ko na kaya maglakad,” aniya pa.
Pagpapatuloy pa niyang sentimyento, “Nalungkot lang ako sa ano tulad ngayon mga pangangailangan ng anak ko sa bahay namin.
“Kung paano ko ma-provide ‘yung ano namin. Kaya sabi ko sige okay lang laban pa rin. Basta kumikilos ka lang. Huwag ka lang tamad. Talagang hindi ko na kaya magpa-aral. Naaawa ako sa anak ko. Nakakalungkot, hindi ko na kaya.
“Kaya sabi ko bahala na kung anong mangyari basta ang ano ko lang huwag lang tamad-tamad kasi kapag tamad ka, talagang walang mangyayari sa buhay mo,” sabi pa ni Dagul.
Tungkol naman sa kanyang naipon mula sa pag-aartista, “Siyempre sa tagal na, wala na, naubos na rin. Kaya nga ang ano ko, kumabaga sa ano survive na lang talaga.
“Ito ‘yung bahay ko, ito ‘yung naipundar ko tapos ‘yung kinita ko dito ko na binayad kasi katwiran ko, mawala man ako sa showbiz kahit papaano may bahay ako, na wala akong babayaran na buwan-buwan na iniisip mo talagang nakatatak na ‘yang utang mo na ‘yan, na bayaran,” pahayag pa ng komedyante.
https://bandera.inquirer.net/308676/ogie-diaz-babayaran-ang-utang-ng-anak-ni-dagul-sa-school-para-makapag-aral-sa-kolehiyo
https://bandera.inquirer.net/292674/pinag-iisipan-kong-tumakbong-presidente-o-kaya-senador-pwede-na-po-ba-ko
https://bandera.inquirer.net/283893/gerald-sa-patuloy-na-banat-ng-bashers-alam-ko-naman-kung-saan-ako-nagkamali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.