Pauleen inatake ng 'sepanx' matapos ang family vacation sa Amanpulo: What a blessing you all are to me! Bandera

Pauleen inatake ng ‘sepanx’ matapos ang family vacation sa Amanpulo: What a blessing you all are to me!

Ervin Santiago |March 21,2022
share this

Pauleen inatake ng ‘sepanx’ matapos ang family vacation sa Amanpulo: What a blessing you all are to me!

Ervin Santiago - March 21, 2022 - 11:23 AM
Na-enjoy ng pamilya nina Vic Sotto at Pauleen Luna ang bakasyon sa Amanpulo

Pauleen Luna, Vic Sotto at Tali kasama ang iba pang anak at mga apo ni Bossing

INATAKE ng matinding “sepanx” ang TV host-actress na si Pauleen Luna-Sotto nang matapos na ang pagbabakasyon ng kanyang pamilya sa Amanpulo, Palawan.

Maraming natuwa at naaliw sa mga litratong ipinost ni Poleng sa Instagram kasama ang asawang si Vic Sotto at anak na si Tali na kuha sa napakagandang beach resort sa Amanpulo.

Mas naging masaya at memorable pa ang kanilang beach getaway dahil naka-join din sa kanila ang iba pang anak at mga apo ni Bossing.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto)


Kasama ni Oyo Sotto ang asawang si Kristine Hermosa at ang kanilang mga anak, habang magkasama naman sina Danica Sotto at mister nitong si Marc Pingris.

Sa bagong IG post ni Pauleen, makikita ang ilan pang litrato nila ni Bossing sa Amanpulo kasama ang mga anak nito na may caption na, “My constant. Est. 2011.”

Kasunod nito, inamin ni Poleng na nakaramdam siya ng kaunting kalungkutan nang matapos na ang kanilang bakasyon at kailangan nang umuwi sa kani-kanilang tahanan.

“I feel like a major sepanx is about to happen, so much memories were made on this trip, up until the plane ride going back.

“I thank our Lord for blessing us with this opportunity and most of all for blessing me with this family! What a blessing you all are to me! No echoes, plain and simple, all love,” ang mensahe ni Pauleen.

Nauna rito, nagpahahag nga ang misis ni Bossing ng sobrang kaligayahan nang magkasama-sama silang muli sa unang hirit nila sa tag-init.

“This place is absolutely beautiful but the presence of our family makes this trip the best ever! Thank you Lord for our family. My heart is full of gratitude,” sey ni Poleng sa kanyang post.

Post naman ni Kristine sa IG kalakip ang mga litrato nila ni Oyo kasama ang mga anak, “Thank you, Jesus, for this memorable trip.”

Nagbahagi rin si Danica ng sweet photo nila ni Marc sa IG kalakip ang isang TikTok video with their kids, “Creating beautiful memories together that we’ll remember for the rest of our lives.”

Pauleen nagpasalamat kay Lord dahil ibinigay sa kanya si Bossing: 6 years ago, I married the man I love

Pauleen may tanging dasal para kay Tali; pinuri ang pakikipag-usap ng anak sa security guard

Pandemic hugot ni Pauleen: Natutunan ko talaga na napakaikli lang ng buhay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending