Mga anak ni VP Leni kinilig kay Daniel; sino naman kaya ang pambato ni Kathryn sa Eleksyon 2022? | Bandera

Mga anak ni VP Leni kinilig kay Daniel; sino naman kaya ang pambato ni Kathryn sa Eleksyon 2022?

Ervin Santiago |March 13,2022
facebook
share this

Mga anak ni VP Leni kinilig kay Daniel; sino naman kaya ang pambato ni Kathryn sa Eleksyon 2022?

Ervin Santiago - March 13, 2022 - 07:45 AM

Leni Robredo, Aika, Tricia, Jillian Robredo at Daniel Padilla

Leni Robredo, Aika, Tricia, Jillian Robredo at Daniel Padilla

KINILIG daw ang mga anak ni Vice President Leni Robredo kay Daniel Padilla matapos mag-viral ang  litrato ng binata na nasa tabi ng campaign poster ng presidential candidate sa darating na eleksyon.

Naging isa sa top trending topic sa social media ang lantaran nang pagsuporta ni Daniel kay VP Leni at kasunod ngang pinag-usapan ng mga netizens ay ang pagkakilig ng kanyang mga anak sa boyfriend ni Kathryn Bernardo.

Isinapubliko ni Daniel ang suporta niya kay VP Leni nang magpa-picture sila ni director Mandy Reyes sa tabi ng campaign poster ni VP Leni noong March 9.

Parehong nakasandal sina Daniel at Reyes sa isang sasakyang may poster na, “#10 Robredo” na ibinahagi ng direktor sa kanyang Facebook account.

“Aba ewan ko sa inyo. Basta kay #LiderLeni kami ng tropa kong gangster,” ang nakasulat sa caption ni Mandy Reyes.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


Hindi ito ang unang beses na nagpahayag ng suporta si Daniel kay VP Leni, taong 2016 nang suportahan nila ng kanyang reel at real life partner na si Kathryn ang pagtakbo bilang vice president ni Robredo.

Hindi naman itinago ng Robredo sister ang kanilang pagkakilig sa trending picture ng aktor na kasama ang campaign poster ng kanilang ina.

Ibinuking ni Aika Robredo, panganay ni VP Leni, na ang bunsong kapatid nilang si Jillian ang masugid na tagahanga ni Daniel.

“Ako ‘yung nakita sa picture kaya sinend ko kaagad kay Jillian kasi si Jillian ‘yung sobrang fan na fan ni Daniel Padilla at alam kong sobrang matutuwa siya kapag makita niya ‘yun.

“Kaya lang tulog pa siya nu’ng sinend ko so hinihintay ko siyang gumising para malaman ‘yung reaksiyon niya. Pero una kong naisip ‘yung kapatid ko kasi sigurado akong matutuwa ‘yon,” ang kuwento ni Aika sa panaham ng “Sa Totoo Lang” sa OnePH.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, pagkatapos ngang ibandera ni Daniel ang pagiging “Kakampink”, hinihintay naman ngayon ng madlang pipol kung si VP Leni rin ang susuportahan ni Kathryn.

Daniel, Dominic nagkaproblema dahil sa isa pang anak ni Karla Estrada?

Followers kinilig sa simpleng convo nina Rabiya at non-showbiz BF na si Neil sa Instagram

Luis hindi selosong dyowa, kinilig sa tambalan nina Jessy at Jericho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending