Liza Diño na-reappoint bilang CEO at chairperson ng FDCP
MULING itinalaga si Undersecretary Mary Liza Diño para sa isa pang tatlong taong termino bilang Chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Nanumpa si FDCP Chairperson at CEO Diño sa harap ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa isang virtual na seremonya nitong Miyerkules, Marso 9. Sinaksihan din ang seremonya ng mga kinatawan ng DTI at mga empleyado ng FDCP.
Nagsilbi si Undersecretary Diño sa pambansang ahensiya ng pelikula matapos maitalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong 2016. Nagkaroon ng extension ang kaniyang termino hanggang 2021, at ngayon, matapos ang kaniyang reappointment, ang kaniyang termino bilang Chairperson at CEO ay mapapahaba hanggang 2025.
“On behalf of our team FDCP, onsite and online, maraming, maraming salamat,” wika ni Undersecretary Diño matapos ang seremonya ng panunumpa.
Binati ni DTI Secretary Lopez si Undersecretary Diño at sinabing, “I’m impressed with all the kind of work you’re doing and I wish you all the best. I know, under your leadership, mas gaganda pa ang ating film industry. Palakasin pa natin.”
View this post on Instagram
Mula noong 2016, pinangunahan ni Undersecretary Diño ang pagtataguyod ng mga programa at pagsusulong ng mga polisiya na makatutulong na pabutihin ang working conditions ng local industry film workers at mas lalong mapayabong ang industriya. Kabilang sa kaniyang mahahalagang naisagawa sa kaniyang kasalukuyang termino ay ang DOLE-FDCP JMC o ang guidelines para sa working conditions ng film at audiovisual film workers, Film Workers Summit, Film Industry Conference, Pista ng Pelikulang Pilipino, Philippine Film Industry Month, Full Circle Lab Philippines, talent at production development programs, at co-production incentives.
Related Chika:
Liza may hugot sa 9th ‘jowanniversary’ nila ni Ice: You personify what FOREVER means to me
Payag ka ba na bakunado lang ang pwedeng manood kapag nagbukas na uli ang mga sinehan?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.