Liza Diño may hirit sa plano ng MTRCB na makialam sa digital movie platform
HINDI kumontra pero hindi rin diretsahang sumang-ayon si Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Diño-Seguerra sa bagong paandar ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Ito ‘yung plano ng MTRCB na i-regulate na rin ang mga pelikulang ipalalabas sa iba’t ibang digital movie platform tulad ng Netflix.
“It’s an MTRCB call, but on the perspective of FDCP all of these platform right now have their own mechanisms for regulation.
“So, may mga controls sila na ginagamit para to make sure na may classification ang panonood ng pelikula,” pahayag ni Liza sa digital mediacon ng pagtatapos ng selebrasyon ng ika-100 taon ng pelikulang Pilipino, dubbed as “Sine Sandaan”.
“Siguro on a very grounded perspective, ang nakikita ko lang talaga na hardship, just in case this will be put in place is madi-delay talaga ang pagpapalabas ng mga pelikula on the platform,” paliwanag ng FDCP chairperson.
Esplika pa niya, “Yung mga ipalalabas ng September halimbawa, all of over the world alam natin na worldwide, September siya ipaplabas, siguro hindi muna siya mapapanood after three months to four months, ‘yun ang nagiging setback, talagang nahuhili sila pagpapalabas ng latest content ng platform na ito.”
Patuloy pa niya, “So, I think, it’s best to revisit and tingnan natin kung ano ba ang value versus the effect also of these kind of regulation.”
Kung matatandaan, kaliwa’t kanang banat ang natanggap ng MTRCB mula sa mga direktor, producer at mga artista dahil sa hiling nitong payagan sila na makialam sa lahat ng ipalalabas sa mga digital streaming service.
Samantala, super busy na naman ang FDCP ngayong buwan kaugnay ng pagtatapos ng selebrasyon ng “Sine Sandaan” na nagsimula noong Setyembre, 2019.
Sa kabila ng pandemya, tuloy na tuloy ang mga events para sa “SINE SANDAAN: THE NEXT 100,” “September marks the official closing of the 100 years of Philippine cinema. Despite the pandemic, the FDCP wanted to ensure that our efforts will meaningfully honor this once-in-lifetime event through various events, activities and programs all year round.
“And as we close Sandaan, we open our ‘NEXT 100’ by launching several initiatives as we look forward to a better, more sustainable and progressive hundred years,” aniya pa.
Kabilang sa mga activities at events ng FDCP ngayong Setyembre ang mga sumusunod:
* Opening of Sine Sandaan: The Next 100 (Sept. 11). Ang virtual event na ito ay opisyal na nagbubukas sa Film Industry Conference 2020 Online and Full Circle Lab Philippines.
* Kre8tif! Virtual Conference (Sept. 7-10)
* Film Industry Conference Online 2020 (Sept. 11 – 15)
* Full Circle Lab Philippines (Sept. 15 – 30)
* Sine Sandaan on The Manila Times TV (Sept. 18). Partnership ng FDCP at The Manila Times TV sa pagpapalabas online ng award winning at classic Filipino films.
* Documentary Film Production Workshop of ELCAC Stories (Sept. 16-18)
* Lutas Negros Oriental Film Festival (September 17-19)
* Philippine International Comics Online Festival (PICOF) (Sept. 19-20)
* FilmPhilippines WIFI: Workshops in Film Incentives (Sept. 24)
* Mowelfund x FDCP Special Masterclass (Sept. 26)
* Philippine Film Archive Website Launch (Sept. 28)
* CreatePHFilms (Sept. 28)
* National Registry Gets an App (Sept. 28)
*Sine Wikain Challenge (Sept. 29)
* Closing of Sine Sandaan: The Next 100. Ang 2-hour virtual event na ito ay katatampukan nina Lani Misalucha, Gary V, Martin Nievera, Lea Salonga, The Company, Acapelago, at Robert and Isay Alvarez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.