BTS Jin may kakaibang adventure sa gitna ng dagat

BTS Jin, Kian84, Ji Ye-eun may kakaibang adventure sa gitna ng dagat

Pauline del Rosario - March 14, 2025 - 03:14 PM

BTS Jin, Kian84, Ji Ye-eun may kakaibang adventure sa gitna ng dagat

PHOTO: Courtesy of Netflix

MUKHANG hindi ordinaryong bakasyon ang pinasok nina BTS member Jin, kasama ang webtoon artist at variety star na si Kian84, pati na rin ang Korean actress na si Ji Ye-eun.

Sila kasi ay babandera sa isang bagong reality show na pinamagatang “Kian’s Bizarre B&B” na ipapalabas sa Netflix sa darating na April 8!

Sa inilabas na teaser sa YouTube, mapapanood kung paano nabuo ang panaginip ni Kian84 na magkaroon ng isang kakaibang B&B (bed and breakfast) na nasa gitna ng dagat.

Makikita rin ang ilang eksena nina Jin at Ye-eun na gulat na gulat, habang ine-explore ang nasabing guesthouse.

Baka Bet Mo: Japanese fan na nagnakaw ng halik kay BTS Jin posibleng makasuhan

Bukod diyan, masisilayan din sa pasilip na nangingisda ang tatlo para sa kanilang kakainin, nagkakamay habang kumakain, naglilinis ng bahay, at nag-e-enjoy sa ilang water activities.

Parang ang peg nga nila base sa trailer ay hindi lang hosts, kundi ultimate survivalists!

Sa ipinadalang press release, tila excited na ang streaming platform sa kalalabasang chemistry ng tatlo para sa upcoming reality show.

“The dynamic between Kian84, Jin, and Ji Ye-eun promises to be a major source of entertainment in ‘Kian’s Bizarre B&B.’ Moreover, the interaction with guests seeking a romantic getaway is highly anticipated. The healing and thrilling experiences crafted by the trio and their guests are sure to provide both laughter and heartfelt connections,” sey sa pahayag.

Si Kian84 o Kim Hee-min sa totoong buhay ay isang kilalang webtoon writer na nasa likod ng “Fashion King” at isang variety show star sa “I Live Alone.”

Si Jin naman o Kim Seok-jin, ay unang sumikat bilang visual at vocalist ng K-Pop sensation na BTS noong 2013. 

Siya rin ang unang nag-enlist sa military noong December 2022 at tuluyan nang na-discharge noong June 2024.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 Kamakailan lang, inilabas niya ang kanyang mini-album na “Happy” noong November last year.

Si Ji Ye-eun naman ay isang aktres na nagsimula sa industriya noong 2017 at nakilala sa kanyang appearances sa “Running Man” at “SNL Korea.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending