Misis ni Gloc-9 ibinuking ang presyo ng suot nila sa kasal: Yung wedding gown ko P1,500, yung barong niya P2,500... | Bandera

Misis ni Gloc-9 ibinuking ang presyo ng suot nila sa kasal: Yung wedding gown ko P1,500, yung barong niya P2,500…

Ervin Santiago |March 10,2022
facebook
share this

Misis ni Gloc-9 ibinuking ang presyo ng suot nila sa kasal: Yung wedding gown ko P1,500, yung barong niya P2,500…

Ervin Santiago - March 10, 2022 - 03:05 PM

Thea Pollisco at Gloc-9

NAPA-THROWBACK ang misis ng award-winning rapper at songwriter na si Gloc-9 bilang bahagi ng selebrasyon ng kanilang 18th wedding anniversary.

Nagkuwento si Thea Pollisco (mas kilala bilang Mrs. 9 sa showbiz) ng ilang kaganapan sa naging kasal nila ni Gloc-9 o Aristotle Pollisco sa tunay na buhay, 18 years ago.

Nag-share si Mrs. 9 ng litrato nila ng asawa na kuha sa kanilang kasal at dito nga niya inamin na ang suot niyang wedding gown ay nagkakahalaga lamang ng P1,500.

Ang Barong Tagalog naman na isinuot ni Gloc-9 ay nabili nila ng P2,500 kaya mas mahal daw itong di hamak sa kanyang bridal gown.


Pero sabi ni Thea, hindi ito kailanman naging issue sa kanila dahil ang importante ay ang nararamdaman nilang kaligayahan nu’ng mga oras na ikinakasal sila at nagpapalitan ng “I do.”

“Basta kahit 2,500 ang barong mo mas mahal pa sa gown ko na 1,500 importante masaya tayo at alam natin kung bakit tayo nagdesisyon magpakasal,” pagbabalik-tanaw ni Mrs. 9.

Aniya pa, hindi siya magsasawang balik-balikan ang pag-iisang dibdib nila ni Gloc-9 kahit na hindi ito bonggang-bongga. Sa katunayan, talagang galing sa savings nilang mag-asawa ang kanilang ginastos noon.

“Lagi ko pagmamalaki yan na hindi man magarbo ang ating kasal noon lahat yan ay galing sa ipon mo. 18 years dad,” kuwento pa ng butihing misis ni Gloc-9.

Dagdag pa ni Mrs. 9, “Proud ako sa ating dalawa. Ikaw at ikaw lang ang lagi ko pipiliin. Love you.”

Gloc-9 mas piniling maging rapper kesa ipagpatuloy ang buhay bilang nurse

Gloc-9 binigyang-pugay ang ina at asawa: Palagi nilang inuuna ang kanilang mga anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending