Vivian Velez tuloy ang laban: Dapat ibalik na sa mga taga-showbiz ang MMFF! | Bandera

Vivian Velez tuloy ang laban: Dapat ibalik na sa mga taga-showbiz ang MMFF!

Ervin Santiago - March 10, 2022 - 02:29 PM

Vivian Velez

PATULOY na ipinaglalaban ng veteran actress na si Vivian Velez na dapat nang tanggalin sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pamumuno sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon sa award-winning actress at present director general ng Film Academy of the Philippines (FAP), mas magiging maayos at epektib ang pagpapatakbo ng taunang filmfest kung mga taga-showbiz mismo ang magpapalakad.

Sa panayam namin kay Vivian kahapon sa naganap na mediacon ng bagong grupong itinatag nila, ang Isang Pilipinas Coalition, ipinagdiinan niyang, “Ibalik sa showbiz ang MMFF!”

Ang nasabing event ay dinaluhan ng mga supporter ni presidential bet Isko Moreno na sina Edith Fider at Daddy Wowie Roxas para ihayag ang pagsuporta nila sa  binuong coalition.

Samantala, natanong din ang beterana at dating sexy actress tungkol sa kawalan umano ng interes at pagsali ng Pilipinas sa  Oscars.

Ito’y matapos ngang punahin ang FAP dahil walang naipadalang entry ang bansa sa Oscars last year na ikinagalit ng Directors Guild of the Philippines Inc..

First time lang daw kasi nangyari na walang ipinadalang entry ang Pilipinas sa Oscars at ang sinisisi nga nila ay si Vivian.

Paliwanag naman ng aktres, “Dapat makipag-dialogue sila sa akin. Dapat makipag-usap sila sa akin para nalalaman nila. 

“Ang hirap kasi, because of the social media, babatikos na lang sila. Hindi naman nila nalalaman kung ano ang totoong istorya.

“Dapat sa industriya natin mag-usap-usap. I’m open to any dialogue. Tawagan lang nila ako. Pag-usapan namin ang problema. Hindi tayo puwedeng magwawatak-watak, tapos batikos lang nang batikos.

“We have one goal, para maayos natin ang industriya. And let’s work together. Hindi naman politika ang showbiz.

“Eh, wala naman nanggaling sa kanila na gusto nila ng dialogue. No one calls me!” sabi ni Vivian.

“Ang DGPI, that guild is part of the Film Academy. Pero hindi naman sila tumatawag sa akin. Ano ba naman `yung tawagan nila ako, ‘di ba? I said, I’m open for a dialogue!” sabi pa ulit ni Vivian.

“Dapat mag-unite kami. ‘Wag puro batikos! Basta ako open ako for a dialogue!” ang matapang na sey pa ni Vivian.

Inamin naman ni Vivian na nalulungkot siya dahil wala pa ring pambato ang Pilipinas sa 2022 Oscars ngayong Marso para sa Best International Feature Film.

Kuwento ni Vivian, inilapit na niya ito kay Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Dino-Seguerra dahil walang pera ang kanyang ahensiyang pinamamahalaan. 

Wala raw silang pera dahil hindi pa naibibigay ng MMDA ang kanilang share bilang isa sa benepisyaryo ng ahensiya sa mga kinita ng 

https://bandera.inquirer.net/286703/kathryn-daniel-bakunado-na-rin-may-panawagan-sa-madlang-pipol

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/301298/bakit-kaya-hindi-pinilahan-ang-unang-araw-ng-mmff-2021
https://bandera.inquirer.net/281126/dimples-magtatayo-ng-school-for-acting-personality-development-bukas-sa-lahat-ng-gustong-umarte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending