Sharon Cuneta natakot nang magpa-root canal: I’m not matapang sa mga dentista
LABIS ang takot ng nag-iisang si Megastar Sharon Cuneta nang magpa-root canal siya sa isang ospital sa BGC, Taguig.
Sa kanyang Instagram ay nagbahagi si Megastar ng isang video noong March 8 kung saan makikita siya na nakahiga sa isang dental chair at tila kuha ilang minuto bago gawin ang kanyang treatment.
Saad ni Sharon sa kanyang caption, “Please pray for me. Am about to get a root canal now.”
Makikita naman sa video clip na ibinahagi niya ang dentista na magsasagawa ng root canal treatment sa singer-actress.
“Hi, everybody. I know this is TMI (too much information) but I’m really scared. I’m going to get a root canal [extraction] today. I’m nanginginig,” sabi ni Sharon sa video.
Tinawag rin niya ang kanyang sister-in-law at kanilang family dentist para samahan siya.
“Come here ate. I need your moral support to hold my hand. Hmm. Natatakot. Please pray for me. I’m not matapang sa dentista,” dagdag pa ni Sharon.
View this post on Instagram
Bakas naman ang pag-aalala ng anak niyang si Frankie Pangilinan sa comment nito na talagang naka-capitalized pa.
“Anyare na naman maaam?” Saad niya na may apat pang crying emoji.
Tanging “babaaaaaaa” lang ang naging sagot ni Sharon sa anak.
Successful naman ang root canal ng Megastar dahil nang i-check namin ang kanyang Instagram account ay active naman siya at kahapon lang ay nagbahagi pa siya ng screenshot ng kanilang virtual meeting para sa kanyang project na “Mango Bride”.
Bukod rito ay tuloy pa rin ang kanyang kampanya para sa asawang si Kiko Pangilinan na tumatakbo sa pagka-bise presidente at ka-tandem nitong si VP Leni Robredo na kumakandidato naman sa pagkapresidente.
Base sa isa sa mga recent posts niya ay papunta sila bukas sa Bacolod para sa gaganaping people’s rally nina VP Leni Robredo-Kiko Pangilinan.
Related Chika:
Basher tinalakan ni Sharon: Marunong akong kumanta, sumayaw, umarte at nagpayaman ng producers
Angel ‘superhero’ ni Liza: I really wanted a job that could help people…
Sharon inalala ang mga paandar ni FPJ: Pag may umapi sa ‘yo, alam mong to the rescue siya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.