Mga dumalo sa UniTeam rally nawalan ng cellphone, wallet: Parang awa n’yo na po pakisauli na lang po
MAY mga video clips na kumakalat ngayon sa social media na kuha sa nagdaang BBM-Sara Uniteam rally na naganap sa Sta. Maria, Bulacan.
Halos maiyak ang ilan sa mga supporters at attendees dahil hindi nila inaasahan na mawawalan sila ng gamit gaya na lamang ng cellphone at wallet na naglalaman ng mahahalagang dokumento tulad ng ID, matapos ang rally.
Sa nasabing video na kuha ni Joseph Pedrajas ay makikita ang mga tao na umakyat sa stage para makiusap na sana’y ibalik sa kanila ang kanilang mga kagamitan.
“Parang awa n’yo na po. Pakisauli na lang po. Babayaran ko. Please lang po,” saad ng lalaking attendee.
Isang babaeng attendee naman na isang overseas Filipino worker (OFW) rin ang nakiusap patungkol naman sa kanyang wallet na naglalaman ng kanyang ID niya sa Singapore.
View this post on Instagram
“Hello po. Sino pong nakakita ng wallet ko? May OFW ID po ‘yun. Please pang po. Kahit hindi n’yo na po isauli ang pera,” saad ng babae.
Mayroon ring nawalan ng coin purse na naglalaman ng susi ng kanilang motor na ginamit nila sa pagdalo sa Uniteam rally.
Maging ang ilan sa mga media reporter ay hindi rin nakaligtas sa mga mandurukot na nagsamantala sa naganap na rally.
Wala pa namang inilalabas na pahayag ang kampo nina Bongbong Marcos ukol sa nangyaring nakawan.
Bukod sa bayan ng Sta. Maria ay nagpunta rin ang Uniteam sa Guiguinto at pati na rin sa bayan ng Meycauayan.
Related Stories:
Nanay ni Nadia ninakawan sa loob ng shopping store; nalimas ang pera sa 2 ATM card sa loob lang ng 3 minuto
Sharon inamin ang pinakaayaw pero minahal niya kay Kiko: Wala siyang pera, dahil ‘di siya nagnanakaw
Laman ng wallet ni Cassy ibinuking ni Carmina: Laging gulu-gulo, super dami ng coins!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.