Nadine Lustre puring-puri ni Yam Laranas bilang aktres: Masunurin siyang artista, I like that | Bandera

Nadine Lustre puring-puri ni Yam Laranas bilang aktres: Masunurin siyang artista, I like that

Reggee Bonoan - March 07, 2022 - 11:57 AM

Yam Laranas, Diego Loyzaga at Nadine Lustre

CURIOUS kami sa pelikulang “Greed” nina Nadine Lustre at Diego Loyzaga with Epy Quizon na idinirek ni Yam Laranas. Ano nga ba ang kuwento nito at bakit iyon ang napiling titulo?

Mahirap nang kontakin si direk Yam dahil wala na siyang Facebook at Instagram account.

“Close ko na, toxic masyado,” sagot nito nang maka-chat namin sa viber.

Biro namin sa direktor na baka marami siyang bashers, “Dedma. LOL! (laughing out loud emoji).” More on Twitter siya dahil mas maganda raw ang engagements.

Anyway, walang maisagot sa amin si direk Yam kung kailan ang showing ng “Greed” sabay tanong kung bakit ito ang titulo ng pelikula nina Nadine, Diego at Epy.

“Panoorin n’yo na lang. Greed kasi sakim, walang hangganan,” tsika pa ng direktor.

Puring-puri ni direk Yam si Nadine dahil napaka-professional daw at wala silang naging problema sa set kaya kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ulit niyang makatrabaho ang aktres.

“She follows the director and gave notes sa character niya, I like that,” sambit ni direk Yam.

View this post on Instagram

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


Humihirit din daw uli ng isa pang pelikula si Nadine kay direk Yam. Sa madaling salita bumalik na ang sigla ng aktres na gumawa ng pelikula sa pagbabalik niya sa Viva Films matapos ang dalawang taong pamamahinga sa akting.

Maganda ang influence ng French boyfriend ng aktres na si Christophe Bariou dahil wala kaming narinig na negative hindi tulad nu’ng sila pa ng ex-boyfriend niyang si James Reid na nag-a-attitude raw ang dalaga.

Ang pelikula ay iikot sa kuwento ng pagbili ng lotto ticket na tiyak na marami ang makaka-relate. Ang karakter ni Epy na isang magsasaka ang nag-udyok kay Diego na bumili ng ticket.

Tinanong namin si Direk Yam kung ano ang ending ng “Greed”, “Walang makakahula sa ending at sa trajectory ng story.”

Sabi namin sa direktor na laging bitin ang ending ng mga pelikula niya, “Para involved ang manonood. Respeto ko sa talino nila,” sagot sa amin.

Sa tanong kung kailan naman gagawa ng sexy film si direk Yam sa Viva Films, “Kung gagawa ako ng sexy parang Death of A Girlfriend,” kaswal nitong sagot.

Hirit namin dapat yung may makikitang skin, “Huy, hubad si AJ doon, ha.”

Oo nga pala nag-toples si AJ sa “Death of A Girlfriend” na siya ang nagdirek at si Diego rin ang leading man ng aktres.

Abangan ang “Greed” sa Vivamax na produced ng Viva Films.

https://bandera.inquirer.net/305347/nadine-diego-super-intense-sa-greed-vivamax-tuloy-ang-pag-ariba-ngayong-2022

https://bandera.inquirer.net/291959/3-direktor-ng-viva-hindi-pabor-na-makialam-ang-mtrcb-sa-mga-pelikula-sa-digital-platforms

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/293220/nadine-naghahanda-na-para-sa-bagong-pelikula-ng-viva-makakasama-sina-diego-at-epy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending