Mygz Molino naiiyak pa rin sa tuwing naaalala si Mahal: Hindi naman nawawala 'yun | Bandera

Mygz Molino naiiyak pa rin sa tuwing naaalala si Mahal: Hindi naman nawawala ‘yun

Therese Arceo |March 05,2022
facebook
share this

Mygz Molino naiiyak pa rin sa tuwing naaalala si Mahal: Hindi naman nawawala ‘yun

Therese Arceo - March 05, 2022 - 04:35 PM

Mygz Molino naiiyak pa rin sa tuwing naaalala si Mahal: Hindi naman nawawala 'yun
AMINADO ang aktor na si Mygz Molino na hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin siya ng lungkot sa tuwing maaalala niya ang kanyang kaibigang si Mahal.

Sa kanyang naging interview kay Ogie Diaz na ibinahagi ng talent manager sa kanyang vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” ay ibinahagi ng aktor kung kumusta na nga ba siya matapos mamaalam ang kanyang malapit na kaibigan.

“Medyo nakaka-recover na paunti-unti pero for the mean time, nandoon tayo sa proseso para ma-recover ko ang sarili ko, may mga times na ginagawa kong busy ang sarili ko,” saad ni Mygz.

Aniya, mahirap pa rin para sa kanya lalo na sa tuwing umuuwi siya sa kanilang bahay kung saan sila nagkasama ni Mahal dahil palagi niyang nakikita ang namayapang si Mahal.

“Kaya ngayon, ang ginagawa ko everytime nandoon ako sa bahay, talagang papasok at papasok sa isip ko ‘yung mga ganoong bagay kasi bawat sulok ng bahay, bawat lugar, sa kwarto, makikita mo talaga siya kaya minsan, lumalabas-labas na rin ako para maiba ‘yung ginagalawan ko,” pagpapatuloy ng aktor.

Kahit papaano naman ay nagiging maayos na ang mental health ni Mygz sa tulong na rin ng Panginoon at ng mga taong nagmamahal sa kanila ni Mahal.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mygz Molino (@mygz.molino)

 

“Ngayon, okay naman po sa tulong ng Panginoon. Syempre doonako kumukuha ng lakas ng loob bukod sa pamilya, sa mga kaibigan, syempre sa ating mga ka-bunso, sila rin ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para harapin ang mga pagsubok na dumarating sa akin,” kwento pa ni Mygz.

Lubos rin ang pasasalamat ng aktor sa kanilang mga taga-suporta ni Mahal dahil sila ang nagiging rason para siya ay makabangon.

Mas pinili na lang rin ni Mygz na intindihin na lamang ang mga bashers na patuloy na naninira sa kanya dahil alam naman niya kung sino siya at

Amin rin niya, maayos naman ang kanyang relasyon sa mga kamag-anak na naiwan ni Mahal.

“Hindi naman nawawala ‘yun tulad ngayon. Dahil nga minsan napag-uusapan siya, nandoon pa rin po iyon,” sey  ni Mygz.

Minsan lang talaga ay hindi rin niya maiwasan na magdamdam na supporters nila na naglalabas ng mga negatibong comments ukol sa kanya at hiling niya na sana ay matigil na ito dahil alam naman nila na iisa lang ang hangad nila na maging masaya si Mahal lalo na ngayon na kapiling na nito ang kanyang ama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Mygz Molino dumalaw sa puntod ni Mahal: Alam kong masaya ka na ngayon dahil kasama mo si Papa…
Kapatid ni Mahal todo pasalamat kay Mygz: Ginawa niya lahat para maisalba ang kapatid namin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending